Fifty Two

1.9K 54 15
                                    

Number Fifty Two

Seven's (Seoul, Korea) (Hangul)

Dapat ba kong maging masaya na walang reporters na naggugulo sakin at wala ring tao na nakasunod sakin everywhere I go? Nakakalabas na nga ako ng bahay kahit pa walang disguise but no one tried kahit isang beses na lapitan ako. Bumalik na ko sa bahay ko than staying in Lex's condo. Bakit pa kung hindi ko naman na kailangang magtago?

"Sir Seven san po kayo pupunta?"

Napahinto ako sa paglabas ng bahay ngayong gabi ng tanungin ako ng maid ko all of a sudden.

"Out" tipid kong sagot.

"Sir sabi po ni Manager Rica wag daw po kayong palalabasin"

"And why not?"

"Delikado daw po baka kung anong mangyari sa inyo"

"Ako ng bahala kay Rica"

"Pero Sir Seven--"

"You should be following my orders okay? Don't mind her"

Hindi ko na sya pinansin. Lumabas na ko ng bahay and instead na gamitin ang kotse, nagpasya kong magcommute na lang. Wala din naman akong particular place na pupuntahan. Gusto ko lang maglakad lakad.

When I took the subway, wala man lang pumansin sakin. Para bang kinalimutan na ko ng lahat. How pathetic. Mahigit isang buwan na rin pero wala paring nagbago sa sitwasyon ko. Maybe I really deserve a punch from that stalker more than a month from now.

Napadpad ako sa Hongdae area kung saan may mga street musicians na nagpeperform either by group, duo or all by themselves. Buti pa sa kanila may gustong manuod. Nakuha ng isang pair na lalaki ang atensyon ko sa dahil sa dami ng nanonood. Siguro magaling talaga sila. I stayed at the back watching them pero in the end, nabored lang din ako kasi their voices are somewhat ordinary. Nang mapagod ako sa pagtayo, umalis na ko sa crowd at nagdecide na maglakad lakad na lang.

(click!)

Napatingin ako sa paligid ng makarinig ng tunog ng camera shutter. I caught a guy hiding in a nearby tree trunk na agad naman pumuslit bago ko pa malapitan. Tss paparazzi. Hindi na ko magtataka kung may mabasa na naman akong article about me wandering the streets of Hongdae dahil wala na kong music career. Every now and then kasi may write-ups akong nababasa tuwing naglalakad lakad ako sa labas at lahat negative. I know that's what worries Rica all the time.

"Annyeong!" napatingin ako sa boses ng babae malapit sakin. "Care to sing with me?"

"Huh?"

I saw a young teenager na babae in nerdy eyeglasses na may hawak na gitara sa may sidewalk. She's not really a nerd but she looks plain and not flashy unlike nung duo na kala mo nasa concert stage sa kinang ng suot. Am I staring at her for quite sometime now? Hindi ko kasi pansin kakaisip sa paparazzi kanina.

"Ikaw lang kasi ang gustong manuod sakin"

I took a quick glance all over the place at nakita kong ako nga lang ang nakatayo sa harap nya since most of the people gathered on that duo few meters from us.

"Hindi mo ba ko nakikilala?"

"You're Seven Lee right?" I nodded. "Sabi ko na eh! Baka kasi kako namamalikmata lang ako haha. Ang swerte ko naman ngayong gabi! Oh I'm a big fan!"

"F-Fan?"

"Yep! Ang ganda kasi ng music mo"

Her shining eyes behind her thick eyeglasses, her smile and her words bring me hope.

Seven and Nine (FIN)Där berättelser lever. Upptäck nu