Twenty Two

3.1K 55 5
                                    

Number Twenty Two

Shan's

Napaaga ng ilang araw ang flight ko sa Cuba. Ang ineexpect ko kasi is at least three days pa bago makuha ang ticket ko kay Mr. Thompson dahil pinaasikaso ko na sa kanya ang lahat. Kung sya na siguro ang pinag-asikaso ko nun pang makabalik ako from Paris, siguro matagal na kong nasa Cuba ngayon doing my volunteer work.

"Shan, nandito si Katy sa baba. Sya na ang maghahatid sayo sa airport"

Tinigil ko ang paglalagay ng damit sa di kalakihang bag na dadalin ko at nilapitan si papa na nasa may bungad ng pinto. Agad ko syang niyakap ng mahigpit at naramadaman ko naman ang pagganti ng yakap nya.

"Pa...salamat ha?" ngumiti lang sya sakin. Alam ko naman na kahit pinayagan nya ko, wala lang kasi syang choice dahil nakapagdecide na ko.

"Are you sure about this? Kung sigurado ka na, aasahan ko ang pinangako mo pagbalik mo"

"Opo papa. The moment I accepted that work in Cuba, alam kong sa pagbabalik ko ako na si Nine Carter. I may not be your real daughter but you treated me like one kaya sobra kong nagpapasalamat na kayo ang naging papa ko"

"Shan...your my daughter. Walang magbabago dun kahit bumalik ka na bilang Nine. Maraming pwedeng magbago sa pagbabalik mo. Sana handa ka sa lahat ng yun"

"Handa na ko papa"

May ilang saglit pa kong tinitigan ni papa saka tumango tango. Niyakap nya ulit ako ng mahigpit saka humalik sa pisngi ko.

"I'll see you in six months. Take care...Nine"

Paglabas ni papa, hindi ko maiwasang mapaisip kung handa na nga ba talaga ko. Maraming magbabago alam ko yun. Pero hindi ko muna iniisip yun dahil matagal pa ang anim na buwan. Bumalik ako sa kama para ituloy ang naudlot na pageempake. Hindi ko pa kasi naayos ang gamit ko dahil nga akala ko in a few more days pa bago ko makaalis.

Pag-uwi ko kahapon galing sa Starbucks at ang stranger na nakilala ko, hindi ko inaasahang makita si John na naghihintay sa living room namin. Naalala ko na naman ang sinabi nya sakin kahapon.

"I want you back, Nine. I still love you"

Ang mga katagang yun ang hindi nagpatulog sakin magdamag kakaisip sa sinabi nya. Kinagulat ko na makita syang nasa Pilipinas pero mas magugulat pala ko sa sasabihin nya. Wala akong ideya na yun ang sasabihin nya kaya umalis syang walang nakuhang matinong sagot mula sakin. Nabanggit ko sa kanya na aalis na ko papuntang Cuba. Hindi ko lang akalain na ngayon na pala yun dahil pag-alis nya, saka lang inabot ni Ate Sonia yung passport at ticket ko.

Dapat ko ba syang tawagan para ipaalam na ngayon na ang alis ko? Dapat ko bang sabihin na mahal ko parin sya? Na hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya sa nakalipas na taon? But if I tell him now, what will be its guarantee that this time it will be different? Hindi naman sya sasama sakin sa Cuba dahil may naiwan syang trabaho sa Amerika. That has been his priority eversince I met him. His career is way more important than me so bakit pa?

Seven and Nine (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon