Forty One

2.5K 54 2
                                    

Number Forty One

Shan's

Bawat araw na dumadaan, mas lalo akong naguguluhan. Gusto ko sanang ibalik sa dati ang tibok ng puso ko pero tuwing kasama ko si Seven, hindi ko na magawa. How he cares for me, pati yung simpleng pagtingin nya sakin iba na para sakin. Lalo akong nafafall at hindi ko na alam kung ano ang tama at mali. Pakiramdam ko kasi, this heart beating for him feels so right. Masaya din naman ako kapag kasama si John. Kasi sobrang compatible kami. We have the same profession, pati pananaw sa buhay pareho kami. But with Seven, kahit na gano kalayo ang mundo naming dalawa, we got to make the ends meet. At mas masaya ko as I discover every part of him. Bawat araw may spice. Bawat araw, I can't help but look forward. Parang ayoko ng matapos to.

Bakit ba ko nainlove sayo, Seven?

"Shan"

"What is it, Seven?" hindi na ko nag-angat ng ulo kasi busy ako sa pagsusulat ng letter na ipapadala ko kay papa at kila Katy. Miss ko na sila pero two months na lang naman at makakabalik na ko kami kaya eto na rin ang last sa palagay ko.

"I'm...leaving"

Napatitig ako sa papel na nasa harap ko at ang ballpen na hawak ko na halos mabutas na ang spot na yun dahil napadiin ang hawak ko. Nagulat kasi talaga ko. Akala ko kasi dahil pinagbilin sya sakin ni John, sabay kaming aalis dito sa Cuba. And he's the one who told me first na sabay kaming uuwi diba? Bakit?

"Shan..."

Binitiwan ko ang ballpen saka ngumiti kay Seven. I'm always smiling to people pero isa to sa mga bibihirang pagkakataon na ngumingiti ako hindi dahil gusto ko kundi para i-assure si Seven na wala syang dapat ipag-alala.

"That's great! You can now go to hotsprings, eat at any expensive restaurant you want, drive your own car instead of our bikes, you can perform again and sing to Suji--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lang nya kong yakapin. Ilang minuto syang nanatiling tahimik habang nakayakap sakin. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko at ang puso ko, gusto ng kumawala sa dibdib ko.

"Haha hey Seven. Are you gonna miss your older sister when you get back? Hahaha" inalis nya ang braso nyang nakayakap sakin pero yung dalawang kamay nya nilagay nya naman sa balikat ko. He's staring at me deeply into my eyes. I'm melting.

"I never said that you're an older sister to me, Shan"

"Then a noona? Hahaha" I tried to crack a joke pero napalis ang ngiti ko kasi seryoso padin sya na nakatingin sakin.

"Aren't you even sad that I'm leaving without you?"

"S-Seven..."

Umayos sya ng pagkakaupo sa sahig. Hindi ko alam kung pano sya i-aaproach. Diba dapat masaya sya kasi masaya ko na makakauwi na sya?

"Can't you at least try to ask why, Shan? Why is it so hard for you to ask why when everything seems so wrong??"

Gusto ko naman talaga itanong kung bakit pero nawalan na ko ng lakas ng loob gawin yun. Isa pa, hindi na sya dapat magtagal pa dito.

"Your world doesn't belong here, Seven" mahina kong sagot. Tiningnan nya ko pero hindi ko mabasa ang mata nya. I don't know what he's thinking. Nagsmile na lang ako saka kinuha ang ballpen para magsulat ulit pero napatigil agad ako.

"Where is exactly my world, Shan?"

"You belong to be on stage, performing...for her"

"But you taught me how to open my heart so that not only Sujin can hear the music in me. Have you forgotten that?" hindi ako nakakibo. Naiinis ako sa sarili ko kasi kanina lang, I'm admitting to myself that I've fallen in love with him. Na ayoko ng matapos ang bawat araw kasama sya. But now, I'm pushing him away back to Sujin. Kasi yun naman ang tama diba?

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now