Forty Six

2.2K 56 10
                                    

Number Forty Six

Seven's (Seoul, Korea) (Hangul)

Bored na ko dito sa bahay. Wala akong scheds na nakaline up till now. Dapat ata hindi na ko umalis ng Cuba. Sana kasama ko pa si Shan ng dalawa pang buwan.

But my mind opposed to it. Kung nagtagal pa ko dun, eh di mas lalo lang akong mafafall kay Shan. Kumusta na kaya sya? Three months na mula nung huli kaming magkita pero wala naman akong balita sa kanya. I kinda missed her. Kung sana lang nandito sya sa tabi ko. Hindi sana ganun kahirap.

Inopen ko na lang ang macbook ko at dinala sa kama. I browsed for news tungkol sakin pero nakakadisappoint lang kasi ibang iba na ang estado ko kumpara dati. Puro news about Sujin ang laman ng entertainment news. Pati sa SNS puro sya ang hot topic and Seabass. Lagi na lang kadikit ng pangalan nya si Andy.

Email ulit?

Pagcheck ko kasi ng email ko, meron na naman from that same sender. It's been two weeks since nagkita kami ni Sujin at yun din ang unang beses na nakareceive ako ng email from that person. And since then, nakakatanggap na ko ng email everyday. Minsan twice or thrice depende sa trip nun. Ang dedicated nga kahit hindi ko naman sinasagot.

From: Musician Wannabe

Yeah yan ang nilagay kong name sa address book ko. Puro kasi short emails about music ang pinapadala nya sakin.

What is music to you?

I stares at the email for a few minutes. That familiar question rings a bell. Isa lang naman ang nagtatanong sakin nyan eh. Si Lex.

Alam kong busy sya kay Shan kasi nga isang buwan na rin naman simula ng makauwi si Shan from Cuba. Naalala ko pa nga ng masayang ibalita sakin ni Lex yun na nakauwi na daw si Shan. Masaya naman talaga ko na nakabalik na sya. Pero kasabay nun, hindi ko naiwasang hindi malungkot kasi ang layo layo nya sakin.

You changed your email address, Lex?

I decided to reply. Hindi naman kasi yun ang email address nya. Sana sinabi nya na lang para nareplyan ko sya agad. Matagal bago ko nakakuha ng email mula sa kanya. Baka busy kaya nagbrowse muna ko sa net.

Sorry. I'm not Lex.

Napakunot noo ko. Pano nya nalaman ang tanong na yun na si Lex lang ang nagtatanong sakin kung hindi pala sya yun? Out of curiosity, nagreply ako.

Then who are you? Why do you keep sending me emails?

I'm your biggest fan.

So kilala nya ko as Seven Lee. Pero pano nya nalaman ang email address ko? Kahit nga co-labels ko hindi alam. Impossible naman na nasearch nya yun over the net?

Who really are you? How did you know my address? Are you my stalker??

Just by thinking that this person might be a stalker creeps the hell out of me. Pano kung magulat na lang ako na nandyan na sya sa harap ng bahay ko at binabantayan ang kilos ko?? Again it took minutes bago sya nagreply.

I'm not a stalker. I'm Shan's friend. My name is Katy. She gave me your email address.

Shan?? Katy? If this person knows Shan, sigurado kong hindi sya masamang tao. Wait. Parang naalala kong nabanggit ni Shan sakin na may bestfriend daw sya na die-hard fan ko. Kung ganun nakuha nya kay Shan ang email ko? But how? At isa pang tanong dun, bakit hindi nya man lang ako inemail kung alam nya?

Hindi ko na sya nireplyan pa. I closed the macbook at nahiga sa kama. Galit kaya sya sakin dahil iniwan ko sya sa Cuba? Kahit ayokong maramdaman to, nasasaktan ako kasi parang wala lang yung pinagsamahan namin. Is this what she meant that we're two different worlds?

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now