Two

6.4K 100 6
                                    

Uhm nga pala, gusto ko lang linawin na ang storyang ito ay nasa iba’t ibang bansa sa mundo. Hindi lang ito nasa Pilipinas. Ayokong samahan ito ng Hangul dahil unang una hindi ako marunong. Pangalawa, Taglish lang ang storyang ito at pangatlo, mahirap intindihin lalo pa at ittranslate ko rin sa Tagalog—hindi praktikal. Nilalagay ko naman kung saan ang setting sa bahaging kinakailangan. Dahil hindi naman natin maiintindihan ang mga salita lalo na ni Seven dahil isa syang Korean, nakasulat parin ito sa wikang Tagalog. Sinasabi ko na ngayon palang dahil ang mga susunod na update ay hindi na Third Person POV. Hindi na narrative dahil ang mga character na mismo ang magkkwento. Yun lang at sana magustuhan nyo parin ang “Seven and Nine”.  Salamat!

 

-----------------------------------

Number Two

 

Third Person's

Philippines…

Dahan dahang binuksan ni Shan ang pinto ng bahay nila. Kakahatid lang sa kanya ni Katy at inabot na sya ng hatinggabi dahil napasarap ang kwentuhan nilang magkaibigan. Nauna na kasing umuwi si Jiho dahil tinawagan ito ng isa nyang kaibigan para mag-inuman sa bahay nito. Halos hindi humihinga ang dalaga habang patingkayad na naglalakad sa malaking sala.

"Buti at naisipan mo pang umuwi Shan?!"

"Ay anak ng pitong kalabaw!" napatalon pa sa gulat ang dalaga ng biglang magsalita ang ama mula sa madilim na sala. Binuksan nito ang ilaw kaya naman tumambad sa kanya ang hindi maipintang itsura ng ama. "Ah hehe, good evening po papa" lumapit sya rito at akmang magmamano pero iwinasiwas agad ng ama ang kamay sa ere.

"Hindi mo ba alam kung anong oras na?? Pasado ala una na! Anong good evening?? At walang maganda sa gabi Shan!"

"Maganda po ang langit sa labas papa kaya good evening parin--ah sabi ko nga tatahimik na ko eh" nakayukong sagot ng dalaga sabay tikom ng bibig.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong bata ka! Matanda ka na para maging sakit sa ulo!"

"Papa ano ba talaga? Bata o matanda?"

"Aba't nagawa mo pang magbiro sa ganitong sitwasyon??" pinandilatan sya nito bago biglang napahawak sa batok. "Aray! Aray!"

"Pa!!" sigaw ni Shan saka agad na inalalayan ang ama at iniupo sa sofa. Patakbo syang kumuha ng tubig sa ref saka agad na binigay sa matanda. "Wag na po kasi kayong magalit. Tingnan nyo hina-highblood tuloy kayo eh--t-teka wala naman kayong highblood ah!" nang-uusig na ang tingin ni Shan sa ama. "Naisahan nyo na naman ako dun! Pinag-alala nyo pa ko!" humalukipkip pa ito sa tabi ng ama.

"Bakit ikaw lang ba ang may karapatang magdrama?? Aba Shan pinag-alala mo rin ako ng bigla kang nawala ng di nagpapalam!"

"Pero iba ang kalusugan papa! Para namang ke bata nyo pa! Hay naku alam ko na kung kanino ko nagmana"

"Wag mo nga akong baligtarin. Ako ang may karapatang magalit dito!"

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now