Bakit ba ganito? Kung alam ko lang mangulam, nangulam na ako ng mga lalaki. Mga manloloko naman silang lahat eh! M A N L O L O K O. Yan ang naririnig kong mga letra tuwing nababanggit ang salitang lalaki. Kakabit na yata talaga sa kanila ang salitang iyon. Mga hindi makuntento kung anong meron sila, hahanap at hahanap pa rin ng iba, tulad nalang ni Daddy-yung ginawa niya noon.
WAAAAAAAH!
STOP.
Ayoko nang isipin pa, mababatak lang mukha ko pag maistress. Nakakatanda at hindi nakakaganda ang isipin pa ang mga bagay na iyon. Medyo okay na rin naman sila ni Mommy kahit papaano. Medyo martyr lang Mommy? Sa paningin ko kasi once na niloko ka na, tapos binalikan mo pa parang fake at hindi na totoo ang lahat ng ginagawa niya para sayo. Kasi niloko ka na nga once, gusto mo pa ng twice? Aba magaling. Sa pangalawang beses kapag niloko ka pa niya, mas malala. Kasi alam niya na ang isang katulad mo madaling maloko. Hay nako. Mga lalaki. Ma-advantage! Pagbuhulbuhulin ko kaya sila?
Grabe talaga ako sa mga lalaki. Parang pag tuwing makakakita ako ng lalaki, unti unti ko silang tsina-chopchop sa isipan ko.
Ayoko naman maging mamamatay tao. Pero kung kailangan, mamumutol ako ng ano ng mga manloloko!
Nahawi ng mata ko ang oras. 10:01 na pala. Kaya pala inaantok na ako! Bakit ko ba sila pinoproblema? Hindi naman nila ako kinakanti, pero naku-i hate them all! as in lahat sila!
*beep beep.. beep beep.. beep beep*
Here comes the normal noises that I usually hear in the morning. Pinatay ko na ang alarm clock ko. Nagising ako na may tumatama nang sinag ng araw sa makinis at porselana kong mukha. Buti nalang wala akong pasok ngayon. Pero nagtataka ang marami kung bakit ako nag-aalarm kahit weekends? Eh kesa naman palagi nalang ako magigising ng hapon? Sarap sarap matulog eh, lalo na pag sure ka na wala kang pasok kinabukasan. Kaya si Mommy binilhan ako ng alarm clock at siya pa mismo nagset na isang buong linggo may alarm! Para naman daw hindi meryenda nalang lagi kong nadadatnan sa table imbes na breakfast.
Nagising ako na may kumot na nakapulupot sa katawan ko. Ramdam ko rin na medyo masakit katawan ko. Bakit naman kaya? Nakakataka rin ang ayos ayos ng katawan ko paggising. Eh, hindi naman ganito ako matulog?
Minsan nasa dulo na ng kama ko ang ulo ko. Minsan naman parang nag 90 degrees ako na ikot. Minsan naka dapa matulog. Halos lahat na yata ng posisyon sa pagtulog nagawa ko. Nakakahimala naman! Bakit ganito ayos ko? May nakain ba akong nakakabuti sa ganung problema? Aba himala naman yata yun.
Bakit ganito? Ano bang nangyari sakin?
Baka naman pinagsamantalahan ako ni....
"WAAAAAAAAAAAH! ANG DIGNIDAD KO!" napasigaw nalang ako sabay hinawakan ang dibdib ko.
Pero-Baka naman hindi? Baka sila mommy?
Ano ba talaga nangyari?
May lumapag ba na alien dito para ayusin ang pagkakahiga ko?
O baka naman si Edward Cullen? Tinitigan ako at habang tinititigan ako, pinagsasamantalahan niya na ako sa isipan? Imbes na kunin niya ang dignidad ko, inayos niya nalang pagkakahiga ko sa kama?
Napailing nalang ako. Ang aga aga! Kung anu-ano naiisip ko. Ano kaya nangyari? Nakakapanibago naman yata?
--------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Hello sorry po! Kung medyo matagal bago ko nag Update!
Nagkasakit ang lola niyo. :) Hihihihi.
Medyo pasikat nga si Jethro dito sa chapter na ito.
Pano ba yan, nasa isang bahay nalang sila?
WAAAAAAAAAH :D
Ano kaya mangyayari sa dalawa?
Aso't pusa siguro? Hahahahahahahaha.
Pero grabe ah, parang superman lang si Jethro, to the rescue palagi! <3
MUST READ:
SANA PO, UMABOT NG 100 READERS ANG CHAPTER NA ITO. AT 100 VOTES KAHIT PAPAANO. PARA PO SA NEXT UPDATE. PLEASE PO TULUNGAN NIYO PO AKO I-SPREAD ITO?
THANKYOU! :)
FOLLOW NIYO KO, DONT FORGET.
COMMENT NA RIN PO KAYO HA?
VOTE NA RIN!
THANKYOOOUUUUUUUUU ULIT!
FOLLOW ME - @elishaaang ON TWITTER
~QUEENDALDALITA
DU LIEST GERADE
It Started With a Quiz
JugendliteraturHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 7
Beginne am Anfang
