Ganito na ba talaga ako humanga sa kanya?

Paghanga nga lang ba 'to?

Crush lang 'to hindi ba?

Bakit ganito na nararamdaman ko sa isang babae?

Bakit sa tuwing nakikita ko siya, ibang iba ang nararamdaman ko?

There is something about her.

I just can't keep my eyes off her.

Krissanta's POV

Bakit ba sa dinami dami ng magiging anak nila, si Jethro pa ang inire ni Mrs. Anderson? Tindi talaga nun! Pati sperm cell na pinanggalingan nung hinayupak na yun-Matinde.

Pinaparusahan ba ako ng mundo? Bakit kailangan magkasama pa kami sa isang bubong?

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!

Umakyat nalang ako sa kwarto ko. Ayoko rin makita yung pagmumukha nung hinayupak na yun dito sa pamamahay ko hindi nakakaganda, nakakastress lang! Humiga nalang ako sa kama ko sa sobrang dismaya.

Ang bait ko naman noong mga nakaraang araw ah-Hindi naman ako ganun nagsungit o nagtaray?Bakit kailangan akong parusahan ng ganito? EH, sa ayaw kong makita yung mukha nun ngayong araw dahil sa nangyari tapos ganito pa sitwasyon!

Hindi ko talaga matanggap na kasama ko yung chickboy, manyakis, playboy, player na yun dito!!!!!

Napasok sa isipan ko, paano nalang kung may maka alam na magkasama kami sa isang bubong?

Pareho kaming kilala sa school!

OH-NO!

UGHHHHH! >_<

Hindi maari.

Hindi maaari.

Hindi talaga maaari.

Hinding hindi talagang talaga kahit kailanman maaari.

Heto na naman ako nababaliw na naman. Pagugulong gulong na naman sa kama ko!

Isang taon lang naman Krissanta!! -Napailing nalang ako. Hindi pa rin maaari. Kilala ko mga lalaki! Nagte-take advantage sila lalo na kapag may chance sila o makahanap sila ng butas para magawa ang tunay na pakay nila, gagawin talaga nila. Pwes! Sa akin, hindi niya magagawa yun. Luluhod muna ang buwan at araw sa lupa bago niya magawa sakin yun.

Tumayo ako at sumilip ng kaunti sa pintuan. Tanaw ko pa rin ang mga magulang namin, ang saya saya pa rin nilang nagkukuwentuhan. Samantalang yung isang yun, ayun oh. Kapal ng mukha, feel na feel. F na F niya na kasama niya sa dinner ang mga magulang ko ha? Teh naman! "tss.." na lang nasabi ko.

Bakit ba kasi kailangan pa niyang tumira dito? Hindi naman siya baby na may kasalukuyang may tsupon pa at kailangan pa ng taga-ugoy, taga buhat at taga tapik bago matulog-DUH! Tanda tanda na niyan! Kainis sobrang bait ng magulang ko! Sana hinayaan nalang nila na matulog yan sa kalye! Ang sakit nila sa ulo! Hindi ma-take ng neurons ko! Gosh!

Nakasilip pa rin ako sa kanila. Ayun ang tukmol. Sige take advantage pa! Ganyan naman kayong mga lalaki eh-mahilig magtake advantage.

"Hay makatulog na nga!" Sabay sinara ko na ang pinto ko. Ayaw kong pagsayangan ng oras yung lalaki na yun! Infairness ha, damang dama niya na close sila nila Mommy? WOW-just wow.

Masakit pa rin ulo ko kahit humiga na ako, para pa rin akong babagsak anytime. Para kong binabangungot! Dumagdag pa ang bilang ng lalaki dito sa bahay. Dati si Daddy lang ang ayaw na ayaw ko, tapos ngayon dadagdag pa yung mahangin na manyakis na yun? Mga sakit sa ulo lang sila eh! Tinapik tapik ko mukha ko. Sinigurado ko muna kung nanaginip lang ako este binabangungot pero hindi eh. Nasa realidad ako ng buhay. Kung sino pa yung taong pinaka ayaw mo na makasama, siya pang makakasama mo. Iwasan mo man o hindi.

It Started With a QuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon