Yung oras na magkahawak ang mga kamay namin habang papatawid ng kalsada.
Yung oras na kinausap niya na ako at hindi ko naramdamang maisnab at hindi pansinin.
Yung oras na binilihan niya ako ng mga kailangan ko sa sugat na natamo ko sa pagliligtas ko sa kanya.
Yung oras na nagkakatitigan at nagtatagpo ang mga mata namin sa isa't isa.
Yung oras na lumapat ang mga labi ko sa mga labi niya.
Parang huminto ang pag-ikot ng mundo nung mga oras na iyon. Sana na-stuck na lang ang oras noong naganap ang mga pangyayari kanina.
Heto ako ngayon nakahiga sa king size bed kasama na rin ang kulay puti na bedsheet at stripes na itim-puti na kumot. Yung headboard nya itim at puti din. It blends with my attitude.
Kay sarap matulog..... Naisip ko habang nakatingin sa ceiling ng kwarto na tutulugan ko pansamantala. Biglang sumagi sa isip ko kung bakit himala na kumausap ng lalaki si Krissanta. Bibihira yun mangyari. Napakaswerte mo talaga, Jethro. Pinagpala ka ng kanais nais na pagmumukha-Pagyayabang ko sa isipan ko.
Habang lumulutang ang isipan ko bigla naman may kumalabog sa kabilang kwarto kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga at agad agad na napatayo sa kinahihigan ko. Alam ko na ang ingay na iyon ay nagmula sa kwarto ni Krissanta.
Patakbo na ako para buksan ang pintuan ng kwarto niya nang bigla kong naisip-baka isipin niya re-rape-in ko siya o di kaya naman masampal ako nun? Napahawak ako bigla sa pisngi ko, medyo ramdam ko pa ang pagkakalampag ng kamay niya sa mukha ko-ang sakit kaya.
Nasa tapat lang ako ng pintuan niya. Ngayon pa ba matatakot? Nandito ako para iligtas siya. Baka kung ano na nangyari sa monster na yun! Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya. I took courage to get inside her room. Nakita ko sa dalawang mata ko na nasa lapag siya, nakadukdok ang mukha sa carpet niyang pink at mahimbing sa pagkakatulog. Nakarinig din ako na may pumasok. Nakita ko kaagad ang mommy at daddy niya sa likod ko, mukhang alalang alala.
"Iho, salamat ha. Ganyan talaga matulog yan si Krissanta simula bata pa lang siya, nalalaglag na talaga siya sa kama. And I think she's quite used to it." Nanggaling sa bibig ng Mommy ni Krissanta.
"Salamat at nandiyan ka. Pasensya na iho, naistorbo ka pa yata sa pagtulog." sabi naman ng Daddy niya.
Umiling ako agad. "Wala po yun, papatulog pa lang naman po ako." sagot ko sa kanila.
Handa naman po akong ipagtanggol at iligtas siya kahit saan at kahit kailan-naisip ko nalang. Nakakahiya naman kung sasabihin ko sakanila ang tunay kong nararamdaman sa anak nila. Isipin pa nila na nagtetake advantage ako-Pero hindi nga ba Jethro?
Binuhat ko na ang babaeng tulog na tulog at walang kamalay malay sa pagkakahulog niya. Medyo mabigat rin pala siya kahit tama at sexy ang pangangatawan.
Tinitigan ko muna ang muhkha niya-Napakainosente. Napakabait. Napakaganda. Sana ganyan nalang din siya. Sana ganyan nalang din siya pag gising. Napatitig naman ako sa mapupula niyang labi. Naisip ko kung papaano nagkadikit ang labi ko sa labi niya. Nakaramdam ako na medyo nag-init ang mukha ko. Sa tingin ko namula ako sa inisip ko na iyon. Napakasayang araw nito sa akin. Kinumutan ko na siya at umalis na sa kwarto niya na napakaaliwalas, kasabay ang mga magulang niya na tinapik ang aking balikat bago nagtungo sa kwarto nila.
Ni-lock ko na ang pinto ko. Humiga na rin sa kama kong muli. Nakakatuwang may nalaman na naman ako tungkol sa kanya. Nahuhulog pala siya parati sa higaan habang tulog. Siguro dahil sa malikot siya matulog. Pero hindi siya ganoon sa school. Napakahinhin kahit papaano at napakaayos niyang kumilos. Walang kahirap hirap sa kanyang maging maayos at kaaya aya pa rin tignan kahit na P.E nila at sobrang pawis na pawis na ang iba, siya naman akalain mong bagong ligo lang, fresh from the bath.
YOU ARE READING
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 7
Start from the beginning
