Akala ko naman naikukuwento niya mismo hindi naman pala. Iniimagine ko na nga na kinukwento ako ni Krissanta sa mga magulang niya, yung proud na proud, masiglang masigla pero kabaligtaran naman pala.
Kahit dito? Sa sarili niya pang pamamahay at sa sarili niyang magulang? Pati rito ganun siya? Grabe talaga yung babae na yun. Saan ba yun pinaglihi?
Medyo matagal bago natapos ang mahaba habang usapan ng mga magulang namin. Nakatingin lang ako sa kanila habang kumakain. Ang saya saya nila parang mga bagets pa rin kung magusap usap. Masaya siguro ako kung ang pinaguusapan nila ang kasalan namin. Pero malabo naman yata yun mangyari? Sa sungit nung babaeng yun? Papakasalan ako? Pero hindi rin malabo! Sa gwapo kong 'to? Maiinlove din 'to sa akin.
Mag 10pm na bago maka-alis sila Mommy. Ang dadaldal ng mga nanay namin. Halos kung magusap parang wala ng bukas.
Nagpaalam na sakin sila mommy at daddy. Kasabay naman nun ay may papagarahe na black at red na BMW, kotse na walang ibang nagmamay-ari kundi ang pinaka pogi sa academy-ehem. Nandiyan na ang mga gamit ko. Ipinasok na isa isa ang mga maleta ko. Medyo maarte ako sa pananamit kaya medyo marami ang naimpake ko. Ayokong ayoko kasi na makikita ako ng mga chicka babes ko na paulit ulit damit ko at hindi presentable.
Bukas na bukas na rin kasi flight na nila Mommy. Handa na ako na makikitira ako sa ibang bahay. Napagusapan na namin ito pero hindi ko naman alam na sa mga Anderson pala. Napakaswerte ko nga naman. Oh Krissanta mapapasaakin ka rin.
Kumaway na ako sa mga magulang ko habang papaalis na yung sasakyan nila. Kumapit naman sa balikat ko ang nanay ni Krissanta. Ramdam ko naman na aalagaan ako dito at hindi mapapabayaan. Hinarurot na ni manong Toni ang BMW na black naman ni Daddy.
Pumasok na muli kami sa bahay nila. Nawala na rin kaagad ang mga gamit ko sa sala, tiyak na inilagay na sa magiging kwarto ko lahat lahat. Sinamahan ako ng daddy ni Krissanta sa kwarto ko. Napadaan kami sa pintuang kulay blue at pink na alam na alam ko na kwarto niya.
"Eto ang kwarto mo habang nandito ka sa amin, boy. Pagpasensyahan mo na ha?" sabi ni Mr. Anderson sakin.
"Wala po yun. Okay na po ako rito. Salamat po tito." sagot ko habang papasok sa kwarto. Tinapik niya na ako sa braso at iniwan na rin.
Lakas kong makatito dun ah. Paano pag pinakasalan ko pa ang anak nila-Daddy natawag ko? Napangisi ako ng malaki ng maisip ko yun.
Heto ba yung sinasabi nilang pagpasensyahan mo na? Eh, pagpasok ko parang nasa 5 star hotel ako sa sobrang ganda at lawak netong kwarto at malinis na kabaligtaran naman nung kwarto ko. Malaki nga ang kalat naman-Lalaki eh.
Napagtanto ko ngayon na yung kwarto ko ay katabi ng kwarto ni Krissanta. Bakit pa kasi sagabal 'tong pader? Edi sana magkatabi nalang kami o di kaya naman napagmamasdan ko ang mukha niya-damn these walls. Ano kaya ginagawa nya na ngayon? Tulog na kaya siya?
Pero naaalala ko yung nangyari kanina..
Yung oras na nayakap ko siya at nailigtas sa panganib.
YOU ARE READING
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 7
Start from the beginning
