Chapter 24

288 5 3
                                    

"Dumating na si Tito Francis. Ang Daddy mo.." 

"Dumating na si Tito Francis. Ang Daddy mo.." 

"Dumating na si Tito Francis. Ang Daddy mo.." 

"Dumating na si Tito Francis. Ang Daddy mo.." 

"Hey. Okay ka lang?'' Tanong saakin ni Darren. 

"Oh my God Darren! Dumating na si Daddy! OMG. OMG!" 

"T-talaga? Yehey! Yehey!" Sinabayan nya ako sa pagtalon ko. Huminto na ako samantalang sya hindi padin. Pinukulan ko sya ng masamang tingin. 

"Ano nanamang ginawa ko?" Nakanguso na sabi nya. Shet. Ang cute nya! 

"Wala." Sabi ko nalang tsaka dinial yung number ni Alyssa. Bigla nalang nawala eh. 

"Hello?' Sabi ko nung tawagan ko sya. 

"Binabaan mo ko. Leche ka." Sabi naman nya. Natawa naman ako sa tono ng boses nya. Haha. 

"Sarreh okay? Sarreh. So, nasaan si Daddy?'' 

"Yun nga dapat sasabihin ko sayo kanina. Kaso binabaan nyo po ako." NafiFeel kong umirap yan. 

"Sorry na nga diba? Sabihin mo na dali! Dami pang satsat eh." Excited kong sabi sakanya. 

"Umuwi ka na ngayon. Sabi ng Dad mo, magkakaroon daw kayo ng outing." 

"Kelan naman?" 

"Dito nyo na pag-usapan. Dalian mo na. Naghihintay na sya sayo." Agad akong nag-ayos ng gamit pagkasabi nya nun. Nagpaalam na din ako kay Darren pero sabi nya sasama daw sya para makapagpakilala kay Daddy. Sus. 

**

Ilang minuto bago kami makarating sa bahay. Naabutan ko naman si Daddy na nakaupo sa couch at umiinom ng juice. Si Mommy naman, nakangiti habang nakatabi sakanya. Nakapag-usap na kaya sila? 

"DAD!!" Masayang bati ko sakanya tska sya niyakap. Niyakap din nya ako pabalik. 

"Namiss kita Mika." Oo nga pala. Mika ang tawag nya saakin. Frances Mikayla. 

"Namiss din kita Dad. Grabe, di ka manlang nagsasabi na dadating ka." Sabi ko sakanya at naupo na ng hindi pinapansin si Mommy. 

"Syempre, surprise nga eh." Sabi nya tsaka ngumiti. "Oo nga pala. Nakapag-usap na kami ng Mommy mo. Okay na kami." Umirap lang ako. 

Diary ng BrokenheartedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang