Chapter 8

389 5 0
                                    

Dear Diary, 

Naaalala ko nanaman si Matthew. Alam mo ba Diary? Gabi-gabi ko siyang iniiyakan. Ewan ko ba. Pagdating sa kanya, nanghihina ako. Siguro nga oras na para magMove-on ako. Pero bakit ganun? Iniisip ko palang na kakalimutan ko na sya, nasasaktan ako? Hindi ko kasi kaya eh. Ang dami na naming pinagsamahan tapos ganun lang? Ang sakit-sakit eh. 

**

Nandito ako ngayon sa gym. Nakalimutan ko nga palang sabihin sainyo na may laban ngayon sa basketball. Kasama dun si Panget ko. Oops. Di na pala sya saakin. Tsaka Matthew pala pangalan nya. Nasanay na kasi akong Panget ang tawag sakanya eh. Yun ang tawagan namin dati. Ayaw ko kasi ng babe o kaya baby kasi ang korni. Hayss. Mas lalo lang tuloy akong nalungkot.  

Naupo nalang ako sa isa sa bleachers at hinintay makalabas yun team. 

Nagulat naman ako nung makita ko si Darren sa kabilang team. Kinindatan pa nya ako. Yuck. Ang bilis naman nya makasali sa team? New student lang sya ah? Pero mas nagulat ako nung makita 'kong nasa team naman ni Matthew si Syn. Grabe. Player pala 'tong si Syn. Kumaway naman sya saakin tsaka ako nginitian. 

Tinignan ko naman si Matthew. Ang talim ng tingin nya kanila Syn at Darren. Hala? Problema nun? 

Binalewala ko nalang yun at nanood ng game. Mag-uumpisa na din kasi. Pero bago magsimula, lumapit saakin si Darren. 

"Hi Babe." 

"Babe ka dyan?" Sabi ko sakanya tsaka ko sya inirapan. 

"iCheer mo ako ah?" Nakangiti niyang sabi. 

"Ayoko nga." 

"Ang arte naman nito. Parang ichiCheer lang eh?" 

"Eh sa ayoko nga eh. Manigas ka." 

"Bahala ka. Kung ayaw mo kong iCheer, pupuruhan ko yang ex mo." 

"P-paano mo nalaman yung tungkol dun?" 

"Syempre. Ako pa? So ano? ichiCheer mo ko o hindi?" 

"HINDI." Baka naman kasi niloloko lang ako nito kaya di ako pumayag. Bahala sya sa buhay nya. 

"Sige, sabi mo yan ah. Bahala ka." Tsaka sya naglakad palayo. 

Binalewala ko nalang yung sinabi nya at nanunood ng game. 

Ang galing-galing talaga ni Matthew. Ang galing niyang kumilos. Nakaka-ilang shoot na sya. Lamang na din yung team nya sa team nila Darren. Nakita ko namang hirap na hirap si Darren. Tignan mo 'to. Walang kwenta sa paglalaro. Walang-wala kay Matthew. 

Hinaharang ngayon ni Darren si Matthew kasi magsshoot nanaman si Matthew. isshoot na sana ni Matthew yung bola kaso bigla siyang sinipa ni Darren sa binti. WHAT THE?! Foul yun ah?!! 

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now