Chapter 36

214 5 0
                                    

"Ate Frances, sure ka ba dyan sa gagawin mo?" Tumango ako sa tanong ni Rejine.

"Dapat hindi na, ate. Iniwan ka na nya, e. Di sya naniwala sayo. Hayaan mo sya." Nginitian ko sya tska tinap ang ulo.

"Di mo pa kasi ako naiintindihan Rejine, e. Kaya mo nasasabi yang mga yan. Sa love kasi, kung gusto mong tumagal yung relasyon nyo, ipaglalaban nyo ang isa't isa."

"Pero diba po hindi ka naman nya ipinaglaban? Ikakasal na nga sya sa iba, e."

"Pwes ako, kaya ko siyang ipaglaban. Hay nako, Rejine. Balang araw maiitindihan mo din ako." Lumabas na ako ng kwarto habang dala yung maleta ko. Alam ko na kung nasaan si Darren sa America. Pinilit ko kasi si Tita (Mommy nya) na sabihin saakin dahil gusto ko lang naman linawin ang mga bagay-bagay sakanya.

"Sige na nga, ate. Di na kita pipigilan. Ingat ka dun ah? Kapag sinaktan ka ulit nung Darren na yun, jojombagin ko sya!" Itinaas pa nya yung dalawang kamao nya. Kinurot ko naman yung pisngi nya.

"Aray naman ate." Sabay himas nya dun sa parteng kinurot ko.

"Ang cute mo kasi. Oo na, magsusumbong ako sayo. Don't worry." Ngumiti naman sya.

"Oh, anak. Sure ka na ba dyan sa gagawin mo?" Tanong saakin ni Mommy na kagagaling lang sa kitchen.

"Yes po. Sure na po ako sa gagawin ko."

"Magsumbong ka agad kapag sinaktan ka nyang si Darren ah? Susugurin ko." Sabi ni Dad.

"Hindi po ako sasaktan nun. Mahal ako nun, e." NapaBuntong hininga sila sa sinabi ko.

"Sige. Basta ah? Nandito lang kami." Niyakap ko sila.

"O sya, aalis na po ako." Tumango sila at inihatid na sa labas.

**

Nandito na ako ngayon sa loob ng eroplano. May katabi akong dalaga. Umiiyak sya.

"Miss, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya. Maganda sya. Payat. Mabalbon. Cute. Pinunasan nya yung luha nya sa mata nya.

"K-kasi, yung bestfriend ko.."

"Anong meron sa bestfriend mo?"

"May gusto sa taong mahal ko."

"O tapos?"

"Gusto din sya nung taong mahal ko.."

"Oh. Sorry. I didn't mean to."

"Okay lang." Ngumiti sya. "Anong gagawin mo sa America?"

"Uhmm, susundan ko yung taong mahal ko.."

"Susundan mo? Bakit, iniwan ka ba nya?" Napatango ako ng mabagal.

"Hindi nya kasi ako pinaniwalaan. Mas pinaniwalaan nya yung kapatid kong malandi. Mas naniwala sya sa kasinungalingan. Tapos ngayon, malalaman ko nalang na magpapakasal na sya sa kapatid ko." Napatakip sya sa bibig nya.

"Naku, mas malala pa pala yang problema mo kaysa saakin."

"Yes. Kaya di mo yan dapat iniiyakan. Besides, you should be happy for her."

"Happy? Di ko alam kung paano, e. Pinalayas ko na nga sya sa bahay kasi ayokong mas lumala pa yung kasinungalingan ko sakanya."

"Kasinungalingan?"

"Yes. Sabi ko kasi, sakanya lang si Marco, e. Na hindi ko aagawin sakanya yun. Pero yung bestfriend ko na yun, childish yun. Kaya hanggang crush lang ang tingin nya kay Marco. Pero kahit ganun lang, nahihirapan parin akong sabihin sakanyang may gusto ako sa taong gusto nya. Yang bestfriend ko? All she wants is mapansin sya ni Marco. Then, tapos. The next thing she wants was to go to Neverland."

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now