Chapter 14

354 7 0
                                    

GAVIN'S POV 

"Hoy Gavin. Sa tingin mo kaya nating talunin yang Frances na yan tsaka yung gang nya?" Tanong saakin ni JP. Kagrupo ko. 

"Kaya natin yan. Lalo na't kasama na sa gang natin ang weakness nya." 

"Si Matthew?" Tanong naman ni Lester. 

"Oo. Si Matthew ang lalaking kinababaliwan ni Frances." 

"May ganun palang side yun?" Sabi naman ni Peter. 

"Akala ko puro sya tapang eh." Sabi naman ni Kevin. 

"Alam nyo, kahit ano pang tapang ng isang babae, bibigay at bibigay din yan pagdating sa weakness nya. Eh mukhang love ang weakness netong si Frances kaya ayun. HIndi nyo ba nakita reaction nya kanina nung dumating si Matthew? Gulat na gulat sya." Sabi ko naman. Napatango nalang sila sa sinabi ko. 

"Nasaan nga pala si Kathryn?" Tanong ko sakanila. Pansin ko lang wala sya dito. Lagi naman yung nandito para suportahan ako pero bakit wala sya? Tss. Pambihirang babae yan. 

"May pupuntahan daw sya sabi nya saakin kanina." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni JP. Bakit di saakin nagpaalam si Kath? Eh ako ang boyfriend nya ah? 

"Saan daw sya pupunta?" 

"Di na nya sinabi e." Tsk. Lagot yang babaeng yan sakin mamaya. Pero syempre, joke lang yun. Aba, kahit gwapong gangster ako, nagmamahal din naman ako 'no. Anong akala nyo saakin? Hindi tao? Nako. Kapag nakita nyo ko, mai-inlove kayo saakin. Sa gwapo kong to? 

Hindi namin tinatanong. Diba guys? 

Tingnan mo 'tong author na 'to. Epal talaga. 

Totoo naman kasi e. Di naman talaga namin tinatanong. 

Heh. Wala sanang magbasa sa story mo. :P 

Ge, ganyanan ah? Paghihiwalayin ko kayo ni Kathryn sa next chapter, gusto mo? 

Ay, hehe. Joke lang author. Eto naman. 

So ayun nga, simula nung napunta sa gang namin si Matthew, feeling ko mas lumakas kami. Baka eto na yung chance para mapatumba namin ang gang nila Frances. Bwahahaha. Maghanda ka na ng paglilibingan mo, Frances. 

"Mga pre." Nandito na pala si Matthew. 

"Oh? Kamusta pare?" Tanong ko sakanya. 

"Gavin, bakit di mo sinabi saakin na kalaban natin si Frances?" Pag-iiba nya ng usapan. 

"Bakit kelangan ko pa bang ipaalam sayo?" 

"Eh kasi.. Syempre.. Kailangan kong malaman kung sino yung mga makakalaban ko." 

"Tanong ko lang pare ah," 

"Ano yun?" 

"Mahal mo pa ba si Frances?" Natigilan sya ng ilang segundo. 

"Hindi na." 

"Mabuti. Akala ko kasi mahal mo pa. Ikaw yung magiging alas namin sa kanya. Salamat dahil sumali ka sa Yazuka. Naaamoy ko na ang tagumpay. Malapit na." Napangiti naman sya ng mapait. Anong problema neto? 

"May problema ka ba?" Tanong ko. 

"Oo nga. Pansin lang namin, kanina ka pa matamlay." Sabi naman ni Peter. 

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now