Chapter 11

367 3 0
                                    


SYNDREX POV 


Hello! The oh-so-poging-cute na si Syndrex is here! Yeah. Binigyan na ako ng POV ni author. Wala eh. Ikikiss ko kasi sya sa cheeks kapag nagkita kami! Grabe talaga. Pati si author nai-inlove sa kagwapuhan ko. 

Tse! Hangin. Mas gusto ko si Darren kesa sayo :p


Aww. Ang sakit naman sa heart, author. :( 

Ang arte mo naman! Dali na. Ipagpatuloy mo na yang storya ko. Magddrama pa kasi e. 

So ayun nga. si gwapong-gwapong si Syndrex ay pupunta ngayon kanila Matthew. Inaya ako ng gagong maglaro ng xbox eh. Wala daw siyang magawa sa bahay. 

**

"Oh, ikaw pala Syn. Napadalaw ka?" Tanong saakin ni Manang matapos niya 'kong pagbuksan ng pinto. 

"Inaya po kasi ako niyang alaga niyong maglaro ng xbox." Nakangiti kong sabi. 

"Ah ganun ba? Sige, pasok ka iho." Sabi nya saakin at tuluyan na akong pumasok. 

Nagpunta na ako sa taas kung nasaan ang kwarto ni Matthew. 

*TOK TOK* 

"Sino yan?" 

"Si gwapong Syndrex to, insan." 

"Hindi kita kilala." 

"Gago. Buksan mo na 'tong pinto." 

"Hindi nga sabi kita kilala. Wala akong pinsan na gwapong Syndrex. Ang pinsan ko eh yung gagong puro paCute ang alam gawin." 

"Aray naman, insan. Makapagsalita ka parang wala ng bukas ah? Dali na. Buksan mo na 'to." 

Binuksan naman nya agad yung pinto at nagtuloy-tuloy ako papuntang kama nya. 

"Hoy hoy hoy. Anong ginagawa mo?" 

"Nahihiga. Pagod na ako eh." 

"Ang bakla mo naman, insan. Kinasusuklaman kita. Anong pagod pinagsasasabi mo dyan? Umagang-umaga, pagod ka na?' 

"Aba syempre. Ang mga gwapong katulad ko, madaming priorities." Pagmamayabang ko sakanya. 

"Priorities? Ano yan, insan? Chixx?'' Umiling ako. 

"Hindi, gago. Matino na ako hano." 

"Kelan pa? Teka lang. MagpapaParty ako." 

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now