Chapter 20

295 8 0
                                    

Dear Diary, 

Matagal-tagal din akong nag-isip isip kaya hindi ako nakapagsulat sayo. Sorry ah? Umiyak kasi ako ng umiyak eh. Pero hayaan mo, okay na ako ngayon. Actually, pupunta ako sa parlor ngayon para magpagupit. Diba sabi nila kapag nagpagupit ka, sign na yun na nakapagMove-on ka na. I-congratulate nyo naman ako. NakaMove-on na ako kay Matthew eh. 

**

"Oh bh3, napunta ka dito?" Bungad saakin ni Tetchie. 

"Siguro kakain ako." Pamimilosopo ko sakanya. 

"Grabe ka naman, bh3. Tinatanong kita ng maayos e." Pag-iinarte nya. 

"Eh kasi naman, ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng isang tao sa parlor? Diba nagpapagupit?" Sabi ko. Inirapan nalang nya ako.

"Tse. Maupo ka na nga lang dyan. Ano bang gusto mong gupit?" 

"Hanggang balikat lang. Layer." Tumango nalang sya at inumpisahan na ang paggupit saakin. Ako naman, nagbasa nalang ng magazine. Nakalimutan ko palang sabihin sainyo na model din ako BEFORE. NagResign lang ako kasi ayoko ng modelling. Gangster ako diba? Duh?

Habang nagbabasa ako, biglang may nagFlash na balita sa TV na nakakuha ng atensyon ko.

 "Isang dalagang nagngangalang Angeline Villaflores, natagpuang patay sa tabing ilog." Nagulat naman ako sa balita. Si Angeline.. Patay na?

"Ayon sa pagsusuri, tatlong araw na ang nakakalipas simula ng kanyang pagkamatay. Sa ngayon, hindi pa nahahanap ang gumawa ng krimen na ito." T-tatlong araw? Eh, tatlong araw na ang lumipas simula nung huli naming pag-uusap ni Kuya Fritz. Yung nalaman kong sumali sya sa gang at nakita kong marami siyang talsik ng dugo sa shirt nya. T-teka... Posible kayang.. 

"Frances? Okay ka lang? Namumutla ka bh3." Posible kayang si Kuya ang pumatay kay Angeline? 

"Huy bh3. Kumain ka ba ng agahan? Namumutla ka na." Agad naman akong kinilabutan nung maisip kong baka si Kuya ang pumatay kay Angeline. Pero hindi. Hindi pwede. Hindi yun magagawa ni Kuya. Hindi. Mali ang iniisip ko. Tama. Mali ang iniisip ko. 

"FRANCES!" 

 

"Ay kabayo ka! Ano ba?! Kung makasigaw ka akala mo hindi kita maririnig ah?!" 

"Hindi mo naman talaga ako nadidinig kanina pa! Echoserang 'to. Kanina pa kita tinatawag, gaga ka." 

"Ay ganun ba? Ano bang sinasabi mo?" 

"Sabi ko, namumutla ka." Napatingin naman ako agad sa salamin. Namumutla nga ako. 

"Kumain ka ba ng agahan?'' Tanong nya saakin. Umiling naman ako habang iniisip ang pagkamatay ni Angeline.

"Kailangan ko ng umalis. Salamat." Sabi ko nalang at tsaka inabot sakanya ang bayad ko. Agad naman akong pumara ng taxi saktong pagkalabas ko ng parlor. Pupuntahan ko si kuya. 

**

*TOK TOK* Katok ko sa pintuan nya. Agad naman nya itong binuksan. Nagulat ako sa itsura nya. Messy hair, mahabang balbas, namumulang mga mata nya, at tsaka ang payat niyang katawan. Hindi 'to si Kuya. Hindi na sya ang Fritz na kilala ko. Iba na sya. 

"Frances," Bungad nya saakin. "Anong ginagawa mo dito?'' 

"Binibisita ka." Sabi ako at tsaka nagdire-diretso sa loob ng condo unit nya. Naupo ako sa couch nya. 

"Hindi ako tumatanggap ng bisita." Cold niyang sabi. Grabe kuya. Anong nangyari sayo? Bakit ka ganyan?

"Kapatid mo ako." sabi ko tsaka nagCross-arms. 

"Ano bang kailangan mo?" Naiiritang tanong nya. 

"I've heard about the news." 

"What news?" 

"About Angeline's death." Agad naman siyang natulala. 

"A-ano namang pakialam ko saknya? Mabuti nga namatay na sya eh. Napakasama nya kase." 

"Sino kayang walang puso ang gumawa nun sakanya? Ang sama naman nun." 

 

"B-bakit saakin mo tinatanong? Hindi ko sya p-pinatay noh! Tsaka masama din naman sya eh. Niloko nya ako! Deserve nya y-yun." Nauutal na sabi nya. 

"Hindi kita tinatanong kuya. Masyado kang guilty." Nakangising sabi ko sakanya. Mas lalo siyang namutla. 

"Eh sa hindi naman talaga ako ang pumatay eh! Tsaka akala ko ba ayaw mo sakanya? Bakit parang ayaw mo siyang mamatay nalang?!" 

"Hindi ko sinabing ayaw ko siyang mamatay. Ang akin lang, gusto ko, ako mismo ang papatay sakanya." 

"Grabe ka Frances. Ganyan ka ba talaga? Pumapatay ng tao?" 

"Eh ikaw kuya? Ganyan ka ba talaga? DineDeny mong pumatay ka ng tao? At EX mo pa?" 

"Ano ba Frances?! Why do you keep on blaming me?!" 

"Kasi halata ka na." 

"Halata?! HIndi naman talaga ako ang pumatay kay Angeline. Hindi ko sya sinaksak. Hindi ko sya itinapon sa ilog!" Nagulat ako. Confirmed. Si Kuya nga ang pumatay kay Angeline. Hindi ako makapaniwala. Si Kuya? How could he! 

"Kinasusuklaman kita Kuya." Nanggilid bigla ang luha ni Kuya at tska lumuhod. 

"O-oo na. Ako na! Ako na ang pumatay kay Angeline! Nagagalit kasi ako. Sa s-sobrang galit ko, n-napatay ko sya. Sorry Frances.. Sorry.." Umiiyak na sabi nya. Hindi ko sya matingnan ng diretso kasi pati ako naiiyak na. Naaawa ako sa kuya ko. Alam kong di nya sinasadya ang nangyari pero kailangan niyang panagutan ang kasalanan nya. 

"Tumayo ka nga dyan." Sabi ko. Tumayo naman sya tsaka pinunasan ang luha nya gamit ang likod ng palad nya.

"F-Frances. Tulungan mo ko. Ayokong makulong.." Humihikbing sabi nya. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Kuya. 

"I'm.. I'm sorry Kuya." Sabi ko tsaka sya niyakap. Humagulgol naman sya ng humagulgol. 

"N-naiintindihan kita.. Sige.. Yun ang tama e. Ayoko ng madagdagan pa ang kasalanan ko.. At ayokong madamay ka pa.." Ngumiti nalang ako ng mapait tsaka tumango. 

Unti-unti kong kinuha ang phone ko tsaka tumawag sa pulis. Si Kuya naman, nakatulala nalang. 

"Officer, kilala ko po kung sino ang pumatay kay Angeline Villaflores." At dun tumulo ang luha ko. Si Kuya naman ngumiti nalang sakin. Yung ngiting totoo. 

Niyakap ko sya ulit at sinabing, "Magdasal ka, Kuya. Humingi ka ng tawag sakanya." Tumango sya at tsaka ako niyakap pabalik. 

Pamaya-maya lang, dumating na ang mga pulis at tsaka kinuha si Kuya. Hindi na nagpumiglas pa si Kuya at sumama nalang. Nakokonsensya na siguro sya. NagWave nalang ako sakanya. And I mouthed him, "I love you." 

Mamimiss ko si Kuyaaa. 

**

Sorry po kung matagal akong hindi nakapag-update. Sorry din kung sabaw 'tong update na to. Babawi nalang ako. ;) 

        ~Hannahyuuun

Diary ng BrokenheartedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu