Chapter 7

405 5 0
                                    

Dear Diary, 

Hay salamat naman at Saturday na ngayon. Makakapaglibot na ako mamaya. Nga pala, naalala kaya ni Darren yung pagtanggi ko sakanya sa pagpunta sa training ng badminton? Wala talaga kong lakad nun. Palusot ko lang yun. TInatamad akong magTraining eh. Pupunta ako ngayon sa mall para magShopping. Boring sa bahay eh. 

**

Bumaba ako sa hagdan at dumiretsong kusina. Nandun si tanda at naggagayak ng agahan. 

"Oh anak, gising ka na pala. Maupo ka na muna diyan at matatapos na 'tong niluluto ko." 

"Wag na. Busog pa ako. Sa mall nalang ako kakain. Bumaba lang ako para sabihin na, late na akong makakauwi." Walang galang kong sabi sakanya. 

"Bakit? Saan ka pupunta? Tsaka sinong kasama mo?" 

"Wala akong kasama. Ako lang." 

"Ha? Delikado yan, anak. 17 ka palang. Gusto mo pasamahan kita sa pinsan mo?" 

"Sige na nga. Tatawagan ko nalang si Kuya." 

"Baka busy yung kapatid mo. Si Alyssa nalang tawagan mo." 

"Wala akong mapapala dun. Kasama nanaman nun for sure yung tikbalang niyang jowa."

"Sige, mag-ingat ka ah." Tumango nalang ako. Napapansin ko lang na nagiging iba na trato sakin ni Mommy. Ano kaya nakain nito? -_-

CALLING KUYA FRITZ... 

SYA: HELLO? BAKIT NAPATAWAG KA FRAMI? 

AKO: HI KUYA. FREE KA BA TODAY? 

SYA: YES. BAKIT? KELANGAN MO BA NG KASAMA?

AKO: OBVIOUSLY, YES. DI NAMAN AKO SASAMAHAN NI ALYSSA DAHIL KASAMA NANAMAN NUN YUNG JOWA NIYA. 

SYA: SURE. I'LL PICK YOU UP? 

AKO: DI NA. MAGKITA NALANG TAYO SA CAFE. 

SYA: OKAY. WHAT TIME? 

AKO: PUPUNTA NA AKO NGAYON. SUMUNOD KA NALANG. 

SYA: OKAY , FRAMI. 

Nagtataka siguro kayo kung sino yung katawagan ko tsaka kung bakit Frami ang tawag nya saakin. Well, yung kausap ko kanina sa phone, sya ang kuya ko. My BROTHER. Dalawa lang kaming magkapatid. Except kay Mollie malanding pugita. Kasi si Kuya Fritz, kapatid ko talaga. Pareho kami ng Nanay at Tatay. France Mitchell Sabroso ang name nya. Fritz for short. Bakit Frami ang tawag nya saakin? Yun ang nickname ko. FRANCES MIKAYLA. Gets? Kung hindi parin, bahala ka na sa buhay mo. Sino naman si Alyssa? Pinsan ko. Sya yung pinakaClose ko sa lahat ng pinsan ko. Yun nga lang, ang bruha, nagboyfriend ng tikbalang. Wala man lang kaTaste-taste sa lalaki. Pwe. Alyssa Jane Ortiz naman ang buong pangalan nya. 17 years old din sya kagaya ko.

Diary ng BrokenheartedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ