Chapter 4

423 9 0
                                    

Dear Diary, 

Mukhang nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Naiintindihan nya kasi yung sitwasyon ko e. Actually, parehong-pareho kami ng sitwasyon kaya for sure, magkakasundo kami. Lalong-lalo na, dun din pala sya sa University na pinapasukan ko nag-aaral.

**

Nandito na ako ngayon sa gym. Training na namin. Ipapakilala na din ni coach yung bago naming kasama. Naglaro muna kami ni Elise. Kapartner ko. Habang naglalaro kami, biglang dumating si Coach. May kasamang lalaki. Yun yata yung bago na sinasabi nya. 

"Guys, Si Darren nga pala." Sabi ni Coach. 

"Hi, I'm Darren." Tapos bigla siyang tumingin saakin tsaka ngumiti. Inirapan ko lang sya. 

"Frances," Tawag saakin ni coach. Tiningnan ko lang sya. 

"May mababago." 

"What?" 

"Di mo na makakapartner si Elise." 

"Eh sino na?"

"Si Darren." 

"Oh tapos?" Walang buhay kong tanong sakanya.

"Nabalitaan ko kasing etong si Darren, nagChampion sa National."

"Sa National lang pala eh. Ako nga pati International." 

"Yabang mo naman, miss." Sabi sakin nung Darren.

"Paki mo? Yun ang totoo eh. Tska kinakausap ka ba?" 

"Oo. Ayan oh. Kinakausap mo na ako."

"Tss." Sabi ko nalang tska umirap. 

"Tama na nga yan. Ngayon lang kayo nagkita pero ang init na ng dugo nyo sa isa't isa." Sabi ni Coach. 

"Ang suplada naman Sir niyang kapartner ko. Pwede ba magpalit?" Choosy naman neto. Pasalamat nga sya ako kapartner nya eh. 

"Kaarte mo naman." 

"Bakit, ikaw ba hindi?" 

"TAMA NA NGA YAN! Dali na. Maglaro na kayo. Manunood ako."

Naglaro na nga kami. Aba, infairness. Magaling 'tong ungas na to. Pero sorry sya. Mas magaling ako. Ako nanalo eh. O ano sya ngayon? Walang-wala sa bangs nya ang skills ko sa badminton. 

"Good job. Ang galing niyong dalawa." Sabi ni Coach.

Diary ng BrokenheartedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora