Chapter 31

242 6 3
                                    

Dear diary,

Nandito kami ngayon ni Rejine sa sala. Ginagamot namin yung sugat nya sa tuhod. Sayang, ang kinis pa naman nya. Kaso ayan. Nasugatan na. Pero promise, bagay sila ni Syn! Sana sya na ang true love ni Syndrex. Kasi feeling ko nasaktan ko sya ng bongga e. Ayoko namang masaktan ko pa sya lalo. Sana talaga si Rejine na.

**

"Rejine, may gusto ka ba kay Syndrex?" Tanong ko sakanya matapos naming gamutin yung sugat nya.

"Nako. Wala po."

"Talaga?" Paniniguro ko.

"Opo, peksman. Tska ikaw po yung gusto nun. Hindi ako. Kanina nga po naabutan ko sa bar yun e. Naglalasing." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Talaga palang nasaktan si syndrex sa ginawa ko. Hays. Paano kaya ako babawi sakanya noh?

"Ganun ba?" Malungkot kong sabi. Bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko. Yahhh! Bakit sya lumuhod? Di na ba masakit tuhod nya? Aish!

"Aray!" Daing nya. Tss. Sabi na e.

"Ayan. May paluhod-luhod ka pa kasing nalalaman." Sabi ko sakanya.

"Eh, bigla-bigla nalang po kayo yumuyuko dyan e. Para po pantay tayo, lumuhod na ako. Hehe. Eh kasi naman po, naguiGuilty po ba kayo sa nangyari kay Syndrex? Kung oo, wAg po." Sabi nya tska ngumiti. Ang cute ng batang 'to! 😂 ng dahil sa sinabi nya, napaangat naman ang ulo ko. "Hindi naman po masamang piliin ang taong gusto nya diba? Kasi kung pinili nyo po si Drex, mas masasaktan po sya. Kasi sya nga yung kasama mo, pero hindi sya yung tinitibok ng puso mo." Sabi nya tska inipit yung buhok ko sa tenga.

"Saan mo nahuhugot yang mga sinasabi mo?" Nakangiti kong tanong sakanya.

"Sa totoo po, hindi ko din alam e. Hehe. Never pa naman akong na-inlove. As in never. Wala po akong balak."

"Nako. Nasabi ko na din yan sa sarili ko dati pero hindi ko napigilan. Di mo kasi mapipigilan ang tinitibok ng puso mo. Maupo ka na nga. Dudugo nanaman yang sugat mo." Sabi ko sakanya. Naupo naman na sya kaya tumabi ako sakanya.

"Pwes, ibahin nyo po ako." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Rejine, ilang taon ka na? Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo."

"Uhmm, 16 years old po ako. Actually, naglayas po ako saamin." Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Huh? Bakit naman?" Bigla naman siyang napayuko sa tanong ko.

"Simula po nung malaman kong ampon lang ako, naglayas na ako saamin. Dun po ako tumutuloy sa bahay ng kaibigan ko dati kaso nag-away po kami kaya ayun, pinaalis na po ako sakanila. Kaya naman po nung makita ko si Drex, naisip ko na baka sya na yung pag-asa ko." Naawa naman ako sa sitwasyon nya tapos natawa na din.

"Bakit po kayo tumatawa? Kita nyo na ngang nammroblema ako e." NakaPout nyang sabi. Ang cute!

"Eh kasi, ano namang nakita mo kay Drex at naisipan mong sya na ang pag-asa mo?" Napakamot naman sya sa batok nya at parang nag-aalinlangan pa sa isasagot nya.

"Hindi ko din po alam. Hehe."

"Alam mo, dapat hindi ka naglayas."

"Bakit naman? Eh sila nga tong ilang taon na hindi sinabi saakin na hindi nila ako tunay na anak."

"Hindi nila sinabi sayo kasi natatakot sila. Natatakot sila na baka hanapin mo yung mga tunay mong magulang at iwanan na sila."

"Hindi ko naman gagawin yun e. Di ko na babalikan ang taong alam kong iniwanan na ako. Lalo na sa taong ipinamigay lang ako."

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now