Chapter 26

240 4 0
                                    

"IKAW?!" Sabay na sabi nila. HAHAHAHAHAHA. Hanep. Nakakatawa mga expressions nila!

"Frances, bakit kasama to?!" Sabay parin nilang sabi saka tinuro ang isa't isa.

"Ang unfair naman kung isa lang sainyo ang makakasama diba? Edi pareho na kayo. Para walang magagalit. Diba diba diba?" Nakangiti ko pang sabi sakanya.

"Akala ko pa naman masosolo na kita." Sabi ni Darren ng pabulong pero nadinig ko naman. Tss.

"Tara na nga dun. Baka hinahanap na tayo nila Grandma." Agad naman silang sumunod saakin.

Naglakad na kaming tatlo sa magandang rest house ni Grandma. Grabe, ang ganda-ganda-ganda-ganda na talagaaaa. Na-amaze ako sobra. *O*

Naka-ilang lakad muna kami bago makarating sa loob. Naabutan naman namin si Grandma sa labas ng pinto. Inaantay siguro ako.

"Grandma!" Salubong ko sakanya. Agad naman syang lumapit saakin tsaka ako niyakap. Oh God. I've missed this woman so damn much.

"Apo! Namiss kita." Sabi nya habang yakap-yakap ako.

"Namiss din kita, grandma. Kamusta ka na?" Tanong ko sakanya matapos kong kumalas sa yakap naming dalawa.

"Okay naman ako, apo. Eto, maganda't malakas pa din." Nakangiting sabi nya.

"EHEM." Sabi nung dalawa sa likod namin. Pinukulan ko naman sila ng masamang tingin.

"Sino sila, Frances?" Tanong ni Grandma tska sila tinuro.

"Manliligaw po nya ako." Sabay nilang sabi. Bakit ba lagi silang sabay? 😁

"Ay ganun ba? Hindi mo naman sinabi saakin Frances na may kasama ka palang manliligaw." Sabi saakin ni Grandma.

"Nga pala Grandma. Eto si Darren," sabay turo ko kay DArren. Ngitian naman ni Darren si Grandma. "Tapos eto si Syndrex."

"Magandang gabi po, Ma'am." Sabi ni Syndrex.

"Magandang gabi din po."

"Nako. Kayo naman. Grandma nalang ang itawag nyo saakin." Nakangiting sabi ni Grandma sakanila. Napairap nalang ako sa hangin.

"Sige po." Sabay nanaman nilang sabi. Tss.

Inaya na kami ni Grandma sa kusina para daw kumain. Agad naman akong nalula sa sa mga pagkaing nakita kong nakahain. Napakadami! Mga pagkaing alam na alam mong lutong pinoy. Hilig kasi ni Dad ang mga lutong pinoy. Nasabi ko na ba sainyo na half Korean si Dad? Ngayon, alam nyo na. Kaya ako, may dugong Korean. Ganito kasi yan, si Grandma na mommy ni Dad, half Korean. Tapos si Grandpa na deadbols na ang pure Filipino. Kaya ayan. Sabroso ang apelido ni Dad at hindi Chui. Ang pangalan kasi ni Grandma ay Kim Namjae Chui. Astig noh? Parang di pangalan ng matanda. HAHAHAHAHAHA 😂

"Kumain lang kayo ng kumain." Nagtataka siguro kayo kung bakit parang sanay na sanay na magtagalog si Grandma? Dito na kasi sya lumaki sa Pinas. Bale, 2 years lang sya nagStay sa Korea.

"Grabe, Granny. Ang sarap nyo namang magluto." Sabi ni darren kahit punong-puno ng kanin ang bibig nya. Ang cute na sana kaso kaDugyot tingnan.

"Syempre ah. Iba talaga kapag ako ang nagluto." Pagmamalaki ni Grandma sa sarili nya.

"Mas masarap pa po kayong magluto kaysa sa Lola ko!" Sabi naman ni Syndrex habang pinupunasan yung bibig nya. Buti pa 'to may table manners.

"Nako. Just eat okay? Wag nyo na akong bolahin." Natawa naman silang dalawa at itinuloy nalang ang pag-kain.

"Ma, gusto nyo pong sumama bukas?" Tanong ni Mommy kay Grandma.

"Saan ba ang punta?"

"Lilibot po tayo." Nakangiting sabi ni Mommy. Paano kaya sya nakakangiti kahit alam nya kung gaano kalaking kasalanan ang nagawa nya?

"Oh sure." Sabi naman ni Grandma.

"Mama, namiss ko tong mga luto mo! Grabe. Hindi ka pinay pero ang galing-galing mong magluto ng mga lutong Pinoy!" Puri ni Dad kay Grandma.

"Hindi po kayo Pinay?" Tanong ni darren kay Granny.

"Yes. I'm not. Pure Korean ako." Sabi ni Granny.

"H-how come po?'' Gulat na tanong ni Syndrex.

"Gulat kayo noh? Basta, I'm a Korean. Pure lang ako sa pagtatagalog kasi dito na ako sa Philippines lumaki."

"Oh."

Pagkayari naming kumain, dumiretso na kami sa kani-kanilang kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ko, alam kong nakasunod saakin si Darren.

"Anong kelangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Good night, Frances." Nakangiting sabi nya.

"Good night, Darren." Sabi ko naman sakanya tsaka din ngumiti. Ewan ko ba pero parang... parang nagugustuhan ko na sya. Oh sht. Ano bang sinasabi ko? Ofcourse not!

Ngumiti nalang sya tska lumapit saakin at hinalikan si noo. Napapikit ako for that moment. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko tska I feel butterflies in my stomach.

Tumalikod na sya tska naglakad. Pero napahinto din sya sa hindi malamang dahilan.

"May problema ba, Darren?" Nag-aaalala kong tanong sakanya.

"W-wala to. Sige, matulog ka na at maaga pa tayo bukas." Sabi nya tska tuluyan ng umalis.

Haaay. Sa tingin nyo ba nagugustuhan ko na si darren? My God. Why that fast?!

-

Helloooo! Sorry kung matagal na di nakapag-update. Pero eto na. Sorry din kung maikli ah? Babawi nalang ako sa iba pang mga chapters. 😂😂

~Hannahyuuun ♥️♥️♥️

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now