Chapter 2

537 10 0
                                    

Dear Diary, 

Kailangan ko na ba talagang magMove-on? Kailangan ko na bang kalimutan si Matthew? Pero kasi hindi ko talaga kayang kalimutan si Matthew eh. Si Matthew pa? Sya lang yung minahal ko ng ganito. Natuto nga akong suwayin yung parents ko, makasama lang sya eh. Ako kasi yung taong, ngayon lang na-inlove. Kadiri noh? 17 years old na ako pero ngayon lang ako na-inlove. I had a bunch of boyfriends pero pinaglaruan ko lang sila. Wala akong sineryoso. Playgirl. Bad-ass. Matapang. Yan ang definition ko. Ang definition ni Frances Mikayla Sabroso. Ngayon lang ako naging ganito kahina. Never in my life na iniyakan ko ang isang lalaki. Madalas akong maKick-out sa school. Kasi pala-away ako. I'm the kind of girl na laging naghahanap ng away. Yun kasi libangan ko e. Actually, kasama ako dati sa gang pero umalis ako dahil yun ang sinabi ni Matthew. Kaya nagalit saakin yung mga kasamahan ko. Ako pa naman ang gang leader dun. Pero ano? I chose Matthew. Wala eh. Mahal ko kasi. Ngayon namang wala na kami ni Matthew, bumabalik ako sakanila. Pero di na nila ko tinaggap. Ang saklap diba? Pati mga kaibigan ko, wala na. Kasi nga mas pinili ko si Matthew. Pinili ko yung taong sasaktan lang pala ako. 

**

Bumaba na ako ng kwarto ko dahil kanina pa ako sinisigawan ni Mommy. Late na daw ako. 

"Ano ka ba namang bata ka ha?! Ganyan ba ang babae? Naglasing ka nanaman kagabi! Ano bang problema mo?! Lagi ka nalang ganyan. Di ka na nagbago!" Niratrat nanaman ako ni Mommy. Tss. Di ko nalang siya kinibo at nagtuloy-tuloy sa lamesa. 

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!"

"Kumakain."

"Aba't! Punyeta naman Frances! Nakuha mo pa akong pilosopohin?!" 

"Sinabi ko lang yung totoo. Kumakain naman talaga ko ah?" Walang buhay kong sabi sakanya. 

"Hindi ka kakain!" 

"At bakit? Tinawag-tawag mo ko tapos sasabihin mo hindi ako kakain? Anong kagaguhan yan tanda?" 

"Wag mo kong matanda-tanda dyan ah?! Nanay mo padn ako!"

"Parang hindi e." 

"Anong sabi mo?! Anak ba talaga kita? Bakit ganyan mo ko tratuhin?!" 

"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? Tatratuhin naman talaga kita ng maayos kung hindi mo lang kami niloko ni Daddy." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Ayoko na. Di na ako kakain. Sa school nalang ako kakain.

"At saan ka pupunta?!" 

"Sa school." 

"Hindi ka papasok! Tingnan mo yang itsura mo! Parang di ka babae kung umasta. Leche." 

"Papasok ako sa school sa ayaw mo o sa gusto mo. Dahil hindi naman ikaw ang nagpapaaral sakin ah? Si Daddy. Kaya wag kang umasta dyan na ikaw ang nagbabayad ng tuition fee ko." 

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now