Chapter 33

242 7 0
                                    

Dear Diary,

Yung araw na nagpunta kami ni Darren sa perya, yun na ata ang pinakamasayang araw ko. Yung araw na hindi kami nag-away o kung ano pa. Ilang araw pa kaming nagStay sa beach. Di na nga kami masyadong nakapunta sa rest house e. Wala naman kasi kaming masyadong gagawin dun. Kaya sa beach nalang kami nagStay. Ngayon naman, uuwi na kami. Aba, madami na akong subjects na hindi na-attendan. Pati na dn sila Darren at Syndrex. Excused lang dapat kami ni Darren para sa Badminton kaso hindi naman natuloy.

**

"Frances, tara na. Mamaya ka na magsulat dyan sa diary mo. Tinatawag na tayo ni Tito." Sabi saakin ni Darren. Tumango lang ako tska tumayo na.

"Ano ba? Wag ka ngang maingay dyan!" Dinig kong boses ni Syndrex.

"Ang sungit mo naman. Gusto ko lang naman kumanta ah!" Iritang sabi ni Rejine kay Syndrex. Ang cute nilang tignan. Para silang couple. Haha.

"Di naman maganda boses mo! Wag ka ng kumanta at baka umulan pa. Kaganda-ganda ng panahon e."

"Tse! Sama mo talaga 4ever!" Inirapan lang sya ni Syndrex.

"Oh, tama na loving-loving nyo dyan. Baka magkatuluyan na kayo nyan." Sabi ni Dad sakanila.

"AKO?! MAKAKATULUYAN YAN?! NO WAY!" Sabay pa talaga sila ah.

"Oo na sige na. Sumakay na kayo at baka maTraffic pa tayo. Ihahatid pa natin yang si Mama." Sabi ulit ni Dad.

Sumakay naman na silang dalawa.

"O ano? Tatayo nalang ba kayo dyan? Hindi kayo sasakay?" Tanong saamin ni Daddy. Umiling kaming dalawa ni Darren tska sumakay na sa kotse. "Akala ko maglalakad kayo pauwi e." Dagdag pa nya. Kahit kelan talaga si Dad. 😂😂

Nung makasakay na kami sa kotse, nag-umpisa ng magDrive si Daddy.

"Ate Frances, sasama po ako sa bahay nyo diba?" Tanong saakin ni Rejine. Tumango naman ako sa tanong nya.

"Ano?! Isasama mo yan sa bahay nyo?" Tanong naman ni Syndrex.

"Oo. Bakit? Bahay ko naman yun ah?"

"Correction : bahay nila Tita." Inirapan ko lang sya.

"Sandali lang naman sya sa bahay. Dun naman sya didiretso sa Kuya nya." Napatango naman si Syn sa sinabi ko.

"Nag-enjoy ba kayo?" Tanong ni Mommy.

"Opo/Hindi po." Nag-opo kaming lahat except kay Syndrex.

"Oh, bakit naman hindi ka nag-enjoy?" Tanong naman ni grandma sakanya.

"May kasama po kasing peste."

"Sinong peste ha?" Tanong naman ni Rejine sakanya.

"Ikaw. Diba ikaw lang naman ang peste dito?"

"Pati kaya ikaw."

"Anong sabi mo?!"

"Bingi!."

"Kung di ka lang babae, ihahagis na kita!"

"Ang bad mo talaga 4ever!"

"Oh, tama na. Baka magkatuluyan na talaga kayo niyan." Suway ko.

"Hinding-hindi kami magkakatuluyan niyang babaeng/lalakeng yan!" Sabay nanaman nilang sabi sabay talikod sa isa't isa. Napailing nalang ako sakanilang dalawa.

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now