PROLOGUE

1.4K 19 6
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

_____________________________________________________________





-PROLOGUE-


"Ganun naman lagi eh. Pasasayahin ako ng sobra. Iiwan din naman pala ako. Kung hindi iiwan, paiiyakin ako. Matira matibay nalang ba?"

"Kaya naman kitang ipaglaban eh. Pero bakit ako hindi mo kaya?''

"Bakit ganun? Lagi nalang ako iniiwanan. Ganun ba kadaling saktan ako?"

Nakaka-ilang tweet na ako sa twitter. Pero yan talaga yung tumatagos sa puso ko. Hanep kasi. Pangalawang beses ko na 'to. Pangalawang beses na akong nasaktan. Eto na ba yung karma ko? Kasi nang-iwan din ako? Kasi nanloko ako? Masakit pala noh. NaguGuilty tuloy ako sa mga taong iniwan at niloko ko na minsan.

Totoo nga yung sabi nila na, "In the game of love, the first one who will fall, is the loser." Ako tuloy yung loser ngayon. PINAASA nya kasi ako e. Iniwan ko yung taong alam kong hindi ako iiwan o sasaktan ni minsan para sakanya. Kasi sya talaga yung tinitibok ng puso ko. Pangalan nya ang sinisigaw nito. Pero ano? Nabigo din ako. Napasakin nga sya. Pero sa sandaling panahon lang. Sa sandaling panahon na yun, napaniwala nya ako sa PESTENG FOREVER na yan. Na lalaban kami pareho para magkaroon ng forever.

Naiinis ako sa sarili ko kasi NASASAKTAN ako. Oo alam ko, masama akong tao, pero pwede namang iba yung mawala saakin diba? Pwede naman yung wallet ko o kaya naman yung iPad o kaya cellphone ko. Pero bakit yung taong mahal ko pa? Ang unfair-unfair lang. Kung kailan sineryoso ko na ang love tsaka naman yun nawala.

Alam nyo yung feeling? Na sobrang nasasaktan ka pero wala ka ng magawa dahil wala na sya sayo. Dahil hindi ka na niya kayang ipaglaban.

ANG SAKIT-SAKIT LANG. SOBRA.

Pero sige, ipagpatuloy nyo ang pagbabasa nito. Para makita nyo ang nilalaman ng DIARY NG BROKENHEARTED. Para malaman nyo kung gaano kasakit ang maiwan. Hindi lang naman siguro ako ang nakaranas nun diba? Marami din sainyo.

Tama na nga ang drama. Basta eto. Eto ang story ko. MY TRAGIC LOVESTORY, BEGINS HERE.

Diary ng BrokenheartedKde žijí příběhy. Začni objevovat