Chapter 30

264 8 0
                                    

Dear diary,

Hays. Kahit na alam na ni Syndrex na sinagot ko na si Darren, eto parin sya. NakikipagKompitensya kay Darren. Tibay din nito noh? Pagkatapos naming kumain ng hapunan, napagpasyahan naming magSwimming. Etong dalawang 'to, nag-unahan pa sa swimming. Sinong nanalo? Si Darren. Malamang, swimmer yan e.

**

"Nako. Pinagbigyan ko lang yan." Sabi ni Syndrex. Napailing naman si Darren sa sinabi ni Syn. Kahit kelan talaga, hindi magpapatalo si Syndrex kay Darren.

"Sabi mo e." Sabi nalang ni Darren sakanya.

"Guys, tapos na kayo?" Tanong ko sakanila. Tumango nalang sila.

"Ikaw? Hindi ka ba lalangoy?"

"Nope. Ayokong lumalangoy kapag gabi."

"Bakit?" Tanong ni Syn.

"Basta." Feeling ko kasi may piranhang nakasunod saakin kapag naglalangoy ako ng gabi. Aish! Simula nung makapanood ako ng Piranha, natatakot na akong lumangoy.

"Sus. Takot ka lang e."

"ASA!"

"Frances, tara na sa loob." Yaya saakin ni Darren. Tumango lang ako tsaka sumunod sakanya.

"HI DREX!" Dinig kong sigaw ng isang babae. Kaya naman napalingon kaming dalawa sa kinaroroonan ni Syn.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ni Syndrex dun sa babae.

"Well, sinundan kita dito. Boring kasi sa house e." Nakita ko namang napahilamos sa mukha nya si Syndrex.

"Umalis ka na dito." Seryoso niyang sabi.

"No! I want to stay with you."

"At ano nanamang pumasok dyan sa kokote mo ha? Pwede ba? Hindi tayo close!" Lumapit yung babae sakanya.

"Ayan. Close na tayo." Nakangiting sabi nung babae. Maganda sya. Maputi. Sexy. Tapos bagsak ang itim niyang buhok. Mukhang nakahanap ng katapat nya si Syndrex ah? Well, good for him.

"Ugh! Umalis ka na! Wala kang mapapala dito!" NagPout yung babae. Haha! Ang cute. Kaya naman I grabbed the chance para pumunta sakanila. Pinigilan pa nga ako ni Darren pero sabi ko ako ang bahala.

"Hi." Sabi ko.

"Sino ka?" Tanong nung girl.

"I'm Frances. His friend." Turo ko kay Syndrex. NapaSmirk naman yung babae.

"Drex, is she--" bago pa maituloy nung babae yung sasabihin nya, tinakpan na ni Syndrex yung bibig nya.

"Ano?" I asked.

"Wala! Sabi nya, gutom na sya. Diba, Rejine?" So, Rejine ang name nya. Umiling-iling yung babae which made me laugh.

"Syndrex likes you!" Sigaw ni Rejine nung makakalas sya sa pagkakahawak sakanya ni Syn.

"I know." I giggled.

"Is that your boyfriend?" Turo nya kay Darren na nagmamasid lang saamin.

"Yes." Nakangiting sabi ko.

"Oh. So, ikaw pala yung dahilan kung bakit--" hindi nanaman nya naituloy yung sasabihin nya dahil.. OMG! Bigla syang.. Oh God..

REJINE'S POV

"Oh. So, ikaw pala yung dahilan kung bakit--" HiNdi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil, WAAAAAAAH!!! Hinalikan nya ako!! Hinalikan ako ni Syndrex!

Diary ng BrokenheartedWhere stories live. Discover now