CHAPTER 43

5.6K 89 0
                                    

SAMARAH POV

Patapos na kaming maglaba ni Clara nang dumating si papa at si Vian galing sa bayan. Pinunasan ko ang kamay ko at lumapit kay papa para magmano.

"Ako na po ang bahala dyan." Sabi ko sabay kuha ng mga pinamili nila. Pero bago ko pa yun maipasok ay inagaw na yun sakin ni Clara.

"Ako na dito. Magusap kayo." Sabi niya at pumasok na sa loob. Napabuntung hininga nalang ako. Si papa naman ay tinapik ako sa balikat.

"Anak, minsan hindi lang puso ang dapat na pinapairal. Kapag alam mong mali na at nasasaktan ka na. Kahit mahirap kailangan mong bumitaw." Pagkasabi niya nun ay pumasok narin siya sa loob ng bahay. Dalawang araw ko na din kasing iniiwasan si Vian. Hindi naman sa galit ako sa kanya. Sadyang naiilang at naguguluhan lang talaga ako. Sa lalim ng pagiisip ko ay hindi ko na namalayan ang paglapit sakin ni Vian. Napatingin ako sa kanya.

"Sam, kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan. I'm sorry." Basag ang boses niya nang sabihin niya yun. Para namang sumikip yung dibdib ko. Bakit ko ba siya pinapahirapan? Yumuko ako dahil hindi ko kayang nakikita siya ng ganyan.

"Vian, ako ang dapat na nagsosory. Wala ka namang kasalanan." Sabi ko habang nakayuko parin. Inangat niya naman yung baba ko.

"Sam, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Wala akong pakialam kung maging tanga ako dahil sayo. Wala din akong pakialam kung pagdating ng araw siya parin ang piliin mo. Ang gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Hayaan mo lang ako." Tuluyan na akong napaiyak.

"Bakit ba ganyan nalang kung mahalin mo ko? W-wala namang spesyal sakin. V-vian, bakit?" Humihikbing tanong ko. Ngumiti siya sakin saka pinunasan ang luha ko.

"Ang pagmamahal ko sayo ay hindi humihingi ng kapalit. Kaya kong maghintay. Taon ba? Buwan ba? Dekada ba? No. Hindi ko ata kaya ang dekada." Nakangiting sabi niya. Natawa nalang ako sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman kong nanigas siya. Hindi niya siguro inaasahan. Mayamaya ay inaya ko na siyang pumasok. Naabutan namin si mama na nagluluto na ng tanghalian. Mayamaya ay nagsalita si Clara.

"Sam! Saan ba ang magandang  beach dito?" Nakangiting tanong niya.

"Bakit? Sisimulan mo na ba ang pamamasyal?" Tanong ko. Pumalakpak naman siya.

"Oo! Cge na. Isang linggo nalang kami dito. Susulitin na namin." Taas baba niyang sabi.

"Ay kung ganun ayos lang naman. Sumama kana anak, kailangan mo yun. Lalo na at lumalaki na ang tyan mo." Komento ni mama. Aapila pa sana ako kaya lang ay gumatong narin si papa kaya wala akong nagawa kundi ang tumango. Para namang batang pumapalakpak si Clara.

Nang matapos kaming kumain ay matyagang bumalik si mama at Clara sa bayan. Ako naman ay nagaayos ng ilang mga gamit na dadalhin. Gusto kasi ni Clara na gabi para hindi daw siya mangitim. Mayamaya ay tumabi sakin si Vian.

"Tulungan na kita dyan." Sabi niya. Hinayaan ko nalang siya.

"Galit ka ba?" Mayamaya ay tanong niya. Nilingon ko naman siya.

"Bakit naman ako magagalit? Masaya nga ako eh. Medyo naiilang lang ng konti pero masasanay din ako." Kumbinsi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at inakbayan ako. Hahalikan niya sana ako sa pisngi nang iharang ko ang palad ko sa mukha niya. Sumimangot naman siya.

"Sige na nga hindi na muna." Sabi niya. Naiiling na pinagpatuloy na namin yung pagaayos. Mayamaya lang ay dumating na sila mama at Clara dala yung pinamili nila. Nagtulong tulong na kaming magayos at magluto ng pagkain.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon