CHAPTER 56

5.2K 72 7
                                    

ARON POV

Nang makapasok ako sa loob ng kotse ko ay napadukduk nalang ako sa manebela. Ang sakit putcha. Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit ba nangyayari sakin to? Wala na ba akong karapatang maging masaya? Huminga ako ng malalim saka pinunasan ang luha na pumatak sa pisngi ko. Pinaandar ko ang kotse papunta sa Vbar. Kailangan ko ng pampalimot. Hindi ako makahinga ng maayos. Nang makarating ako ay agad akong pumasok sa loob.

"Isang tequila please." Order ko. Agad naman niyang binigay sakin yun at deretso kong ininom. Pagkalunok ko ay humingi pa ako ng isa pa. Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilan na yung nainom ko.

"Sir, okay pa po ba kayo?" Tanong nung waiter. Inangat ko yung tingin ko para makita ko siya ng maayos.

"T-tinatanong mo k-ung o-okay ako?" Sabi ko sabay tawa.

"Mukha ba akong okay? Bakit? Naranasan mo na ba ang masaktan ng sobra? Ang maiwan? Ha?" Tanong ko. Nakatingin lang siya sakin ng parang ewan.

"Ganyan ba talaga ang mga babae? Kapag nakakita ng iba wala ng pakialam sa nauna? Tss. Karma ko na ata to." Sabi ko habang nailing.

"Sir, marami na po kayong nainom." Sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Anong akala mo sakin walang pambayad?!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi naman po sa ganun sir. Lasing na po kasi kayo." Sabi niya. Natawa naman ako. Bwisit.

"Bigyan mo pa ako ng isa." Sabi ko. Nagaalangan man ay binigyan niya parin niya ako. Hindi na siya nangulit at hinayaan nalang ako. Nang magsawa ako sa kakainom ay tumayo na ako. Napamura ako nang muntikan na akong masubsub. Agad naman akong inalalayan  nung bartender. May kinuha siya sa bulsa ko at may pinipindot pindot. Anong ginagawa niya sa phone ko? Mayamaya lang ay may narinig na akong nagsasalita. Siya yata. Hangggang sa binalik niya sakin yun.

"S-inong tinawagan mo?" Sinisinok na tanong ko.

"Ah, mommy niyo po. Kailangan niyo na po kasing umuwi. Pero sa kalagaya niyo ngayon mukhang hindi niyo po kaya." Sabi niya. Tss. Naupo nalang ako ulit. At dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko ay dumukduk nalang ako sa mesa. Ilang sandali pa ay may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Napatingala ako ng wala sa oras.

"Sam?" Tawag ko.

"Stop it. Let's go umuwi na tayo." Napasimangot nalang ako nang makilala ko kung sino siya.

"Tumayo kana." Mariing utos sakin ni mommy. Hinawi ko yung kamay niya saka mag-isang tumayo. Naglakad na ako papasok sa kotse ko. Mabuti nalang at nandito si mommy at siya ang magmamaneho. Napaikit nalang ako nang maramdaman kong umusad na yung sasakyan.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng init. Putcha anong silbi ng aircon? Nang hindi ko na matiis ay dumilat na ako. Traffic. At kaya pala mainit ay bukas yung bintana. Magrereklamo na sana ako nang matanaw ko ang isang kotse na nakabukas din ang bintana. Agad akong tumayo at lumabas ng kotse. Shit. Tumakbo ako patawid. Narinig ko pang sumigaw si mommy pero hindi ko pinansin at tuloy lang sa pagtakbo. Bwisit. Huminto akong hinihingal. Bumalik ako sa kotse at walang sabi saving binuksan yun at tinulak si mommy para ako ang makapag drive. Nang mapaandar ko na yung makina ay agad kong tinungo ang bahay niya.

"Hintayin mo ko Sam. Hindi ako papayag na iwan mo nalang ako ng ganun." Mahina kong sabi.

"Aron! What are you doing?!" Sigaw ni mommy pero hindi ko siya pinansin ang mahalaga ay maabutan ko siya. Ilang sandali pa ay him into sila sa isang bahay. Nakita kong lumabas si Sam kasama ang isang babae. Si tita. Binuksan ko na kaagad yung kotse ko at lumabas.

MY BOSS AND IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora