CHAPTER 52

5.6K 86 7
                                    

SAMARAH POV

Daig ko pa ang naputulan ng dila dahil hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa anak ko. Dapat na ba niyang malaman? Oo si Aron tatanggapin niya si Irine. Pero ang mommy niya sigurado ako na kapag nalaman niya ang totoo ilalayo niya sakin si Irine. Nasa ganung pusisyon kami nang pumasok sa loob si Vian.

"Bakit ang tagal niyo?" Tanong niya. Lumapit naman kaagad yung bata. Napatingin ako sa kanila nang iabot ng bata yung litrato. Nagkatitigan kami ni Vian.

"Kanina ko pa po si mama tinatanong kong sino yan pero hindi siya sagot." Sumbong ng bata. Napayuko naman ako. Huminga ng malalim si Vian. Lumapit siya sakin. Uupo na sana siya nang tawagin niya si Irine.

"Baby, punta ka muna kay mommyla mo. Maguusap lang kami." Sabi niya. Tumango naman yung bata saka tumakbo palabas.

"Sam. Alam kong nahihirapan ka na na itago sa kanya ang totoo. Bakit hindi mo pa sabihin?" Tanong niya sakin. Nagbaba naman ako ng tingin.

"Hindi ko kaya. Natatakot ako."  Totoong sabi ko.

"Sam. Hindi maitatama ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Pinagbuntis mo siya hindi mo sinabi sa kanya. Malaki na siya ngayon kahit hindi niya sabihin alam kong gusto niyang makilala ang tunay niyang ama. Ipagkakait mo parin?" Seryosong tanong niya. Tiningnan ko naman siya.

"Bakit mo sinasabi yan? Akala ko mahal mo ko? Bakit pakiramdam ko pinamimigay mo na kami?" Basag na boses na sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Mahal ko kayo. Mahal kita. Kaya ko nga ginagawa to. Hindi ako selfish. Tandaan mo. Kaya kong gawin lahat basta para sayo." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Selfish ba ako? Siguro nga. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sam. Sabihin mo na sa kanya. Wag mo ng hinatayin ang araw na magtampo sayo ang anak mo. Hindi mo yun kakayanin." Payo niya sakin. Niyakap ko na din siya ng mahigpit saka tumango. Siguro nga. Panahon na. Nagluluto ako ngayon ng spaggetti dahil yun ang request ni Irine sakin. Nasa harap ko lang siya habang naghihiwa ako. Tumikhim ako saka nagsalita.

"Anak, may itatanong sayo si mama." Panimula ko. Tumingin naman siya sakin.

"Ano po yun?" Takang tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"Tungkol dun sa picture na nakita mo." Sabi ko.

"Sasabihin nyo na po ba kung sino?" Nakangiti niyang tanong.

"Gusto mo ba talaga malaman kung sino yun?" Paninigurado ko. Tumango naman siya.

"Opo. Sabi ni Daddy importante daw siya." Inosenteng sabi niya. Huminto muna ako sa ginagawa ko saka tinitigan siya.

"Irine, paano kung p-papa mo siya?" Kinakabahan kong tanong. Hindi man lang siya nagreact. Nakatingin lang siya sakin na para bang sinasabi niya kung totoo ba yung sinabi ko. Mayamaya ay nagsalita narin siya.

"Dalawa po ang Daddy ko?" Tanong niya. Napapikit naman ako. Kulang nalang lumabas na yung puso ko sa dibdib ko.

"O-oo anak. Si Daddy Vian. Tsaka si Papa Aron." Nauutal na sabi ko. Biglang kumunot yung noo niya. Grabe napakabata pa niya pero para na siyang matanda dahil sa proseso ng utak niya.

"Pero sino po ang tunay?" Nang sabihin niya yun napaupo na ako. Sakto namang paparating si Vian. Tumingin ako sa kanya. Yung parang humihingi ng tulong. Mukha namang nagets niya dahil tumabi siya sakin ng upo.

"Ano bang nangyayari?" Bulong niya.

"Sinabi ko na. Tinatanong niya kung sino ang tunay. H-hindi ako makasagot." Pagamin ko. Humiwalay siya sakin at tumingin kay Irine.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now