CHAPTER 6

9.7K 153 3
                                    

ARON POV

Dahil sa dami ng ginagawa ko hindi ko na namalayan na tanghali na pala. Ngayon ko lang din napansin na kanina pa wala si Sam. Buti nalang at pumasok sa loob si Mang Tasyo.

"Mang Tasyo, nakita mo ba si Sam?" I asked.

"Ah, wala pa po ba siya? Kasama ko po siya kanina mamitas ng strawberry." he said. Kanina pa yun ah.

"Hahanapin ko nalang po senyorito." sabi nito at agad na lumabas ng opisina. Nasaan kaya ang babaeng yun? Ilang sandali pa biglang bumukas yung pinto at pumasok si Sam na hinihingal. Kunot noong napatingin ako sa kanya.

"Saan ka nanggaling?" tanong ko sa kanya. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"Pasay lua ko Sir Aron. Nawili kasi ako sa pamimitas." (sorry Sir Aron.) nakangiting sabi nito. Agad naman na bumaba yung tingin ko sa basket na dala niya. Mauubus ba niya yan?

"Kaya mo bang ubusin yan?" tanong ko sa kanya.

"Dadalhin ko nalang po sa mansyon yung iba." nakangiti pa ding sabi nito.

"Bahala ka sa buhay mo." bigla naman itong sumimangot. Oo kanina okay naman kami. Pero hindi maganda ang pakiramdam ko kapag malapit siya sakin. Sa gilid ng mata ko nakita ko siyang umupo sa gilid at nagsimulang kumain.

"Kunin mo yung chocolate syrup sa ref. Idip mo dyan sa kinakain mo." sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya. Naramdaman ko siyang tumayo at dumaan sa harap ko. Nang makuha niya yung garapon ay agad niya yung binuksan at nilantakan. Naiiling na binalik ko ang tingin ko sa papeles na hawak ko nang biglang kumalam ang sikmura ko. Shit. Tanghali na pala. Agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan si Mang Tasyo para utusan na bumili ng pagkain. Nang maibaba ko yung phone ko, nilipat ko ang tingin ko sa kumakaing si Sam. Nanlalaki ang mata ko ng tiningnan ko siya. Halos makalahati na niya yung chocolate syrup.! Ano yan hinihigop niya? And fuck.! Wala pa siyang kain. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tigilan mo na yan" utos ko sa kanya. Napalingon naman ito sakin habang subo subo yung strawberry sa bibig.

"Nano man?"(bakit naman) what the hell? Ano daw?

"What? Pwede ba Sam, ayusin mo nga yung pagsasalita mo." iritang sabi ko sa kanya. Sumimangot naman ito. Ilang sandali pa bumukas na yung pintuan ng opisina ko at pumasok si Mang Tasyo sa loob. Nakita kong may bitbit itong bayong. Magsasalita na sana ako ng tumayo si Sam para kunin yung dala dala ni Mang Tasyo.

"Ako na po Mang Tasyo. Para po ba to kay Sir Aron?" nakangiting tanong nito. Napapansin ko lang, bakit sa iba ang hilig niyang ngumiti. Sakin lagi siyang nakasimangot although nakita ko narin naman siyang ngumiti pero bilang lang ata yun. Ewan ko, basta naiirita ako.

"Oo iha, pinabibigay ng asawa ko." nakangiting sabi nito. Sige magngitian kayong dalawa dyan. Nakakairita.

"Talaga po? Sige ako na po ang bahala dito." nakangiting sabi ulit nito. Tumango lang si Mang Tasyo at lumabas na din ng opisina ko. Agad niyang nilabas yung pagkain at nilapag sa center table. Habang ginagawa niya yun hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya. Ewan ko ba. Parang may somthing sa kanya na hindi ko alam. Nagiwas agad ako ng tingin ng maramdaman kong lilingon siya sa gawi ko.

"Sir Aron, adi na po ang  paniudto niyo" (nandito na po ang tanghalian niyo) she said habang papalapit sakin. Sinamaan ko siya ulit ng tingin.

"Tigil tigilan mo nga ako sa kakabibisaya mo. Nakakairita." naiinis na sabi ko. Wala kasi akong maintindihan.

"Sorry po." sabi nito habang nakayuko. Huminga ako ng malalim bago naglakad at umupo sa mesa para kumain.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now