CHAPTER 55

5.9K 92 0
                                    

SAMARAH POV

Padabog akong pumasok sa loob ng kwarto. Mabuti nalang at hindi nagising si Irine. Pinunasan ko yung luha ko saka naupo sa silya. Grabe hindi ko alam na ganito pala ang tingin sakin ni Vian. Masakit. Oo hindi ko pa nasasabi sa kanya yung nararamdaman ko pero hindi sapat yun para saktan ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak.

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising.

Ang bilis ng buwan. Anim na buwan na simula ng umalis si Vian. Malungkot pero kailangan kong tanggapin. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Dumeretso kaagad ako sa kusina para magkape. Napapitlag ako nang may maramdaman akong yumakap sakin mula sa likod. Hindi ko na kailangang tingnan kong sino dahil pabango palang kilala ko na. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagtitimpla ng kape. Aalis na sana ako pero hindi ko yun magawa dahil pinipigilan niya ako.

"Vian. Bumitaw ka na." Sabi ko. Pero imbes na bitawan ako ay mas humigpit lang yung yakap niya.

"Sam. Bati na tayo please." Pakiusap niya sakin. Hindi ko siya pinansin at ininum nalang yung kape ko. Humiwalay siya sa yakap at hinarap ako sa kaniya.

"Sam, hindi ko naman sinasadya. Natakot lang talaga ako. Sam, alam mo naman kung gaano kayo kahalaga sakin. Mahal na mahal na kita" paliwanag niya sakin. Tinitigan ko siya sa mata. Nakikita ko dun yung pagaalala. Yung pagmamahal. Halos lahat. Hindi ko alam pero yun ang nakikita ko. Huminga ako ng malalim saka nilapag yung kape ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Aaminin ko nasaktan ako sa mga sinabi mo. Pero naiintindihan ko din yung nararamdaman mo. Vian. Hindi ko man nasasabi sayo ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman mo na mahal kita." Napabitaw siya sakin. Kinabahan naman ako. Bigla nalang siyang tumalikod sakin. Sinilip ko siya pero lumalayo naman siya sakin.

"Vian? Ayos ka lang ba? May mali ba sa sinabi ko?" Kinakabahan na tanong ko. Mayamaya ay umangat yung kamay niya at pinunasan yung pisngi niya. Umiiyak siya?

"Umiiyak ka ba?" Sabi ko saka lumapit sa kanya. Natawa naman siya.

"Sorry. T-tama ba yung narinig ko?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Untiunting lumapad yung ngiti ko. Hanggang sa nauwi sa tawa. Sumimangot naman siya.

"Anong nakakatawa?" Tanong niya sakin. Huminga ako ng malalim saka pinigilan ang matawa.

"Fine. Alam ko naman kung ano ang gusto mong marinig eh." Sabi niya habang nakayuko. Hindi ako umimik nakatingin lang ako sa kanya at halatang nagpipigil ng ngiti. Tiningnan naman niya ako at mayamaya ay napailing.

"Okay. Kinilig ako okay na? Kasalanan ko ba kung masaya ako nang marinig ko yun? Syempre nagulat ako ang tagal ko kayang-" hindi ko na tinuloy yung sasabihin niya dahil mabilis akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Wag mo na akong pagdudahan ulit. Oo. Mahal kita. Kung iniisip mo si Aron. Mapapaliwanagan ko naman siya. Ako na ang bahala sa lahat." Sabi ko. Tiningnan niya ako ng mabuti. Mayamaya ay malakas siyang napabuntung hininga.

"Hindi ko alam." Sa halip ay sagot niya sakin.

"Anong ibig mong sabihin.?" Takang tanong ko. Huminga naman siya ng malalim saka hinawakan ang kamay ko.

"Kahit hindi mo sabihin sakin alam kong may nararamdaman ka pa para sa kanya. Sam. Masakit para sakin ang gagawin ko. Pero alam kong ito ang makakapagpaligaya sayo. Makakatulong din to para malaman mo kung sino samin ang talagang mahal mo." Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan?" Naguguluhan kong sabi. Ngumiti lang siya sakin. Hinaplos niya ang pisngi ko. Hanggang sa namalayan ko nalang na dumampi na yung labi niya sa labi ko. Mayamaya ay humiwalay siya sakin.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now