CHAPTER 24

6.9K 112 6
                                    

SAMARAH POV

habang naglalakad ay tuloy lang ang pagpatak ng luha ko at hikbi ko. Masakit pala ang umasa sa wala. Ang tanga ko din kasi. Papasok na sana ako sa loob ng stadium nang may humatak na naman sa braso ko. Nakita ko si Vian na kinakaladkad ako papunta sa kung saan. Sa inis ko ay hinila ko ang braso ko.

"Ano ba?! Masarap ba akong hatakin?" Sabi ko habang umiiyak. Tinitigan naman niya ako.

"Anong nangyari?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi mo ba nakikita? Oh, sadyang nananadya ka lang?"sabi ko habang nakatingin sa kanya. Hinila niya ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. Tuluyan na akong napahikbi ng husto dahil sa ginawa niya.

VIAN POV

Hindi ko parin maiwasan ang magalit habang yakap ko si Sam. Panay lang ang hikbi niya habang hinahaplos ko ang likod niya.

"Tama na Sam. Hindi mo dapat iniiyakan ang lalaking yun." I said. Pero hindi man lang siya nagsalita. Ilang sandali lang ay humiwalay na siya sa pagkakayakap ko.

"Pasok na tayo sa loob."aya niya sakin. Tiningnan ko naman siya.

"Sigurado ka ba? Pewede ko naman sabihin Kay ma'am na mamaya nalang." I said. Pero umiling lang siya.

"Papahinga lang ako sandali tapos okay na ako." She said. I sighed. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming pumasok sa loob. Pinaupo ko siya soon at tiningnan.

"What happened?" Tanong ni ma'am.

"Nothing. Papahinga lang daw po siya saglit."tumango naman si ma'am. Mayamaya ay huminga siya ng malalim.

"Bwisit. Ang sakit na ng mata ko kakaiyak." She said. Natawa naman ako sa kanya.

"Ang weird mo." I said. Tinapik naman niya ako.

"Anong sabi mo? Ako weird? Kelan pa nangyari yun? Ikaw nga yun eh. Minsan masungit minsan nangiti. Idamay mo pa ako." Sunod sunod niyang sabi. Hindi ko nalang siya pinansin kasi alam kong hahaba lang ang usapan namin. Hanngang sa kinalabit niya ako.

"Tara na nga. Simulan na natin. Ano bang tittle ng kanya?" She asked. Ngumiti naman ako.

"Back at one" natigilan naman siya.

"B-bakit yun?" Tanong niya. Nagkibit balikat naman ako.

"Ewan ko. Yun ang napili nila eh." Simple kong sagot.

"Ganun ba." She said. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Minsan kahit nasasaktan ka na kailangan mo yung itago. Hindi para maging martir, kundi para ipakita na minsan naging matapang ka din." Sabi ko at tumingin sa kanya. Nilingon naman niya ako.

"Ikaw ba yan?"I chuckled.

"Pasaway. Minsan na nga lang magseryoso binara pa."sabi ko. Siya naman ngayon ang natawa.

"Lagi ka kayang seryoso." Natatawang sabi niya. Inirapan ko naman siya.

"Sayo lang naman hindi." Sabi ko habang titig na titig sa kanya. Nag iwas naman siya ng tingin.

"Tama na nga ang pahinga magsimula na tayo." Sabi niya at naglakad na.

Nang makalapit kami sa stage ay agad kaming tinawag ni ma'am.

"Okay na? Ready na ba kayo?" Tanong ni ma'am. Nagulat ako ng hawakan ni Sam ang braso ko.

"Bakit?" Tanong ko.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now