CHAPTER 27

6.3K 114 6
                                    

SAMARAH POV

Halos thirty minutes din akong  naghintay kay Clara. Nang matanaw ko na ang isang kotse ay hindi na ako nagdalawang isip na lumapit doon. Binuksan niya ang pinto at nakita ko si Clara sa loob. Sumenyas siya na pumasok na ako. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso at iharap sa kanya.

"Kahit hindi mo sabihin sakin alam kong may problema ka." Nag iwas naman ako ng tingin.

"Bakit kayong dalawa alam kaagad kapag may problema ako. Samantalang yung isa yelo na ata sa sobrang pagkamanhid." Sabi ko. Naramdaman kong tutulo na naman ang luha ko. Wala na ba tong katapusan?

"Sam. Alam ko na ang lahat. Hanggang kelan ka magiging ganyan? Hanggang kelan ka magtitiis.?sa kabila ng lahat mahal mo parin siya.?" Ramdam ko yung galit sa boses niya. Tuluyan na akong napahikbi.

"Gusto  ko narin naman nang tumigil. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Alam mo ba yung pakiramdam na sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba? Masakit Clara. Sobra. Mas masakit yung alam mo sa sarili mo na wala kang karapatan na magalit dahil walang kayo. Walang kami. Katulong lang ako. Hanggang dun nalang. Ang sakit. Umasa kasi ako." Sunod sunod na sabi ko habang panay ang tulo ng luha sa pisngi.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya. Para malaman niya." Sabi niya. Umiling ako.

"Hindi ko gagawin yun sa ngayon. Ayokong mag iba ang tingin niya sakin." Huminga siya ng malalim sabay hampas sa manibela.

"Gumising ka nga!" Sigaw niya sakin. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pag iyak.

"Saan mo ba gusto pumunta?" Mayamaya ay tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"Kung saan ako pansamantalang makakalimot." Sagot ko. Pinaandar na niya ang kotse. Ilang saglit pa ay huminto na ito. Namalayan ko nalang na hinahatak na niya ako papasok sa loob ng bar.

"Sa VIP room. Isang whiskey. Nachos, Buffalo, pizza."panay lang ang order niya habang ako nakatingin lang sa mga mga nagsasayaw. Hinatak na naman niya ako papunta sa isang kwarto na binuksan nung lalaki. Sabay kaming umupo sa sofa. Tiningnan naman niya ako.

"Hindi ko talaga alam kung bakit may mga kagaya ng boss mo." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.

"P-paano mo nalaman?" Takang tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Sinabi na nga sakin ni Vian." Sabi niya habang nakatingin sakin. Nag iwas nalang ako ng tingin. Ilang sandali pa ay may pumasok na lalaki dala yung lahat ng order niya. Kinuha naman niya agad yung baso at naglagay ng yelo at alak. Napalunok ako. Hindi naman kasi ako sanay uminom. Napatingin ako sa kanya nang iabot niya sakin.

"Kunin mo na. Ito ang kailangan mo ngayon." Sabi niya habang hawak yung baso na may lamang alak. Kinuha ko yun. Pumikit pa ako bago yun ininom. Ganun din ang ginawa ni Clara. Tahimik lang kaming dalawa habang umiinom. Parang binibigyan niya ako ng oras na mapagisa. Hanggang sa nakaramdam na ako ng hilo. Tumayo si Clara para alalayan akong umupo ng maayos.

"Lasing kana Sam." Sabi niya sakin.

"W-wala ak-ong pakial-am. Bakit ganun? Ang s-sakit saki-t dito?" Nahihirapan na sabi ko.

"Bakit hindi niya naki-kita yung pag-mamahal ko?" Umiiyak na sabi ko. Hinaplos naman niya yung likod ko.

"Tama na Sam." Sabi niya. Kinuha ko yung baso at nagsalin ng alak. Hahablutin niya sana yun pero nilayo ko.

"Hayaan mo na muna ako. Please." Pakiusap ko sa kanya. At dahil hindi namin nailock yung pinto rinig na rinig ko yung tugtug mula sa labas. Nananadya ba sila? Sapul kasi.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now