CHAPTER 40

6K 101 2
                                    

ARON POV

Masakit na ang mata ko kakascroll sa computer. Kahit saan ako magsearch hindi ko parin makita si Sam. Oo. Iniwan niya ako nang hindi ko alam ang dahilan. Tumingala ako dahil nararamdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko. Wala akong pakialam kung sabihin niyo man na bakla ako. Malakas kong hinampas yung keyboard at sumandal. Habang hinihilot ko yung sintido ko ay tumunog naman yung phone ko. Malakas akong napabuntung hininga nang makita ang pangalan ni Franchesca. Kung inaakala niyo na natuloy ang kasal namin hindi. Bakit? Dahil hindi ako pumayag.

FLASHBACK

nang magumaga na ay bumangon ako kaagad. Naligo narin ako para fresh kapag nakita ako ni Sam. Agad akong nagpunta sa kwarto niya. Pero hindi ko siya nakita.

"Ah, baka nasa kusina." Sabi ko at lumabas na ng kwarto. Tamang tama naman na nakita ko si Andrea sa sala.

"Andrea, nakita mo ba si Sam?" Tanong ko. Nag iwas naman siya ng tingin. Lumapit ako sa kanya dahil hindi naman niya sinagot ang tanong ko.

"Uy! Tinatanong kita." Medyo irita kong tanong.

"Ah, S-sir. Ano kasi eh. Si Sam. A-ano." Malapit na maginit ang ulo ko. Napakasimple lang naman ng tanong ko.

"Wala si Sam." Napalingon naman ako. Si ate. Anong ibig niyang sabihin?

"Anong wala? Namalengke ba? Hindi naman siya pumasok dahil sabado ngayon." Deretso kong tanong. Huminga naman ng malalim si ate saka lumapit sakin.

"Tapatin mo nga ako Aron iho. Mahal mo na ba si Sam? Oh, libangan mo lang?" Sa tanong na niya yun ay nakaramdam ako ng galit. Hanggang sa narealize ko kung bakit. Oo bakit ngayon ko lang narealize?  Hindi ko maiwasang ngumiti.

"Oo. Sigurado na ako ngayon. Nasaan ba siya?" Exited kong tanong. Napailing naman siya. Hindi maganda ang kutob ko.

"Mukhang huli na ang lahat iho. Wala na si Sam. Umalis na siya." Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Nagbibiro lang siya diba?

"Hindi totoo yan. Paano? Bakit hindi ko alam?!" Tuluyan na akong napasigaw. Hindi niya gagawin yun. Kaya ba panay ang sabi niya na tandaan ko na mahal na mahal niya ako? Dahil iiwan na niya ako? Bakit hindi ko naramdaman? Sa sobrang inis ko ay sinuntok ko yung pader.

"Diyos ko! Senyorito!" Sigaw nilang dalawa. Hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag na pababa.

"What happened?" Si mommy. Nagtatagis ang habang na nilapitan ko si mommy.

"Ano yung sinasabi nila na wala na si Sam?! Nasaan siya?!" Sigaw ko. Parang wala lang siyang narinig. Sa halip ay inutasan niya si Andrea na kumuha ng first aid kit.

"Sumagot ka.!" Nauubusan na ako ng pasensya sa sarili kong ina.

"Tumigil ka! Ano ba ang pinakain sayo ng babaeng yun at patay na patay ka.!" Sigaw niya. So tama na ang hinala ko. Siya ang dahilal kung bakit umalis si Sam.

"Nasaan siya? Anong ginawa mo?" Pinilit kong maging mahinahon.

"Wag mo na siyang hanapin. Ikakasal kana! Hindi siya karapatdapat sayo!" Pamimilit niya.

"Oo ina kita. Pero hindi ibig sabihin nun may karapatan kana na pakialaman ako sa lahat ng bagay. Ikaw lang naman angmay gusto na pakasalan ko ang babaeng yun! Pwes kayong dalawa ang magpakasal!" Sigaw ko at umalis ng bahay. Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar yun papunta sa bahay ni Kieper. Nang makarating ako ay agad akong bumaba sa kotse. Ilang ulit din akong nagdoorbell bago may nagbukas.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now