EPILOGUE

10.9K 208 141
                                    

After 5 years.....

Nagmamadali kong inayos ang dalawang baon ni Irine at ni Vian. Tamang tama naman na nakita ko na silang dalawa na pababa ng hagdan. Ngumiti ako sa kanila.

"Mabuti naman at bumaba na kayo. Aba, malapit na kayong malate." Sabi ko. Napakamot naman si Vian sa batok niya.

"Sorry na babe. Ikaw kasi eh. Pinuyat mo ko-" hinampas ko siya ng dyaryo. Nasa harap siya ni Irine kung ano ano ang sinasabi.

"Ang daldal mo.! Kumain na nga kayo." Sermon ko sa kanya. Agad naman siyang lumapit sakin at niyakap ako mula sa likod. Hinalikan pa niya ako sa leeg.

"Sorry na. Wag ka na magalit." Paglalambing niya sakin.

"Mama. Daddy. Tama na po yan kumain na tayo." Napahiwalay naman si Vian sakin at tumakbo papunta sa upuan. Natatawang umupo narin ako at sinabayan silang kumain. Nang matapos kami ay niligpit ko na yun. Kinuha ko ang mga baon nila at nilagay sa mga bag.

"Ingat kayo. Sunduin mo si Irine ha." Paalala ko. Sumaludo naman siya sakin. Bago sila umalis ay pareho nila akong hinalikan sa labi. Nagbabye pa talaga sila. Nang makaalis na sila ay napangiti nalang ako.

Limang taon ang nakalipas simula ng magpropose siya sakin at ikinasal kami sa rooftop. Oo hindi sa simbahan. Weird pero masaya kami. Ang dami naring nangyari. Si Aaron nasa kumpanya parin. Balita ko may nililigawan na. Yung tungkol naman kay Irine nagkikita naman sila. Minsan sinasama pa niya sa bahay nila. Tanggap narin si Irine nang mama niya. Si Vian naman, is a nang ganap na nurse. Pinanindigan talaga niya yung sinabi niya na hindi siya papasok sa kompanya nila Tita.

Nasa paghihirap niya mismo manggaling ang ipapakain samin. Si Clara naman ganap na Chief na at may ari ng isang restaurant. Actually, magkasosyo kami. Si Irine naman nasa elementary na. Si Kieper nagmamanage na ng isang kompanya din. At higit sa lahat engaged na sila. Nasa maayos na ang lahat. Wala na akong mahihiling. At sa story nang buhay ko may isa akong nalaman.

Hindi lahat ng first love ang nagkakatuluyan. Hindi naman kasi natin masasabi kong siya na talaga. Minsan dumaraan lang sila satin para maranasan ang maging masaya, umiyak, masaktan, pero sa huli pinatatatag nila tayo. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa mabilisan. Mas maganda parin ang naghihintay. Worth it.

Kaya sa mga natatakot nang magmahal. Wag kayong sumuko. Laban lang. Dadating din ang araw na makakatagpo kayo ng para sa inyo. Wag magdali.

The end.

AUTHORS NOTE

Sa wakas natapos na din po ako. Sana po nagustuhan niyo ang story ko. Sobra po akong nagpapasalamat sa mga nagbasa at sumuporta.

Sana suportahan nito po ulit ang sunod kong story which is ONE CHANCE

maraming salamat po!!!

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now