CHAPTER 44

5.6K 102 0
                                    

VIAN POV

Nakamasid lang ako kay Sam at Clara habang masaya silang naguusap malapit sa dagat. Masaya ako dahil sa wakas nakita at nakasama ko na ang babaeng mahal ko. Nung una kinabahan talaga ako. Natakot ako na baka kapag sinabi ko sa kanya ay ipagtulakan niya ako. Pero hindi yun nangyari. Napangiti ako. Ibang iba talaga siya sa mga babaeng nakilala ko. Habang tumatagal lalo ko siyang minamahal. Bigla kong naalala yung sinabi niya kanina tungkol dun sa lalaki na nakita niya sa beach. Yung empleyado daw ni Aron. Humigpit yung hawak ko sa bote. Hindi ko hahayaang malaman at saktan niya ulit si Sam. Napakagago niya. Huminga ako ng malalim saka dinukot yung phone ko sa bulsa.

"Hello. Yes. Pumapayag na ako sa gusto mo. Taasan mo lang ha." Nakangiting sabi ko. Napa tss naman yung kausap ko.

"Okay, see you soon. Pagbalik ko ng maynila." Sabi ko at pinatay ang tawag. Gagawin ko ang lahat para sainyo ng magiging anak ko. Naglagay ako ng ngiti sa labi bago lumapit sa kanila. Unang nagangat ng tingin si Sam sakin.

"Maliligo kana ba?" Tanong niya. Ngumiti ako saka tumabi sa kanya.

"Hindi. Malamig na. Ikaw, wag kana maliligo ha? Masama sayo." Paalala ko. Ngumiti siya sakin saka pinisil ang pisngi ko. Hindi ko talaga mapigilan ang mamula kapag ginagawa niya yun. Tumingin siya sa relo niya. Mayamaya ay sakin.

"Oras na para maghapunan. Tara na." Sabi niya saka ako hinawakan sa kamay. Napatingin naman ako dun. Napatitig ako sa kanya nang iangat niya yung mga kamay namin.

"Masanay kana. Hindi naman pala mahirap eh." Sabi niya. Tapos tiningnan pa niya yung mga kamay namin. Mayamaya ay tinawag na niya si Clara na kanina pa nagtatampisaw sa tubig.

"Clara. Tama na yan. Sisipunin kana dyan.!" Sigaw niya. Tiningnan ko naman si Clara na nagsisimula ng umahon. Nang makalapit siya samin ay umakbay siya kay Sam.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong niya.

"Oo. Bakit balak mo ba magbabad dun?" Nakangiwing tanong ni Sam. Sumimangot naman si Clara.

"Wag ka nga. May bukas pa naman." Pagaalo niya kay Clara.

"Sabagay, ang ganda pala talaga dito. Babalik ako dito sa susunod." Nakangiting sabi niya. Napangiti narin ako. Ako rin. Palagi. Dahil kanina pa kami naguusap habang naglalakad hindi na namin namalayan na nakarating na kami sa lobby ng hotel. Papasok na sana kami sa elevator nang may tumawag sa pangalan ni Sam. Sino to? Napalingon naman si Sam. Nakita ko ang pamumutla ni Sam. Kilala ba niya? Hindi kaya? Bigla akong kinabahan. Agad akong lumapit sa kanila.

"Sino ka?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo nung lalaki. Wala akong pakialam.

"Ah, si Erix. Katrabaho ko sa opisina." Halata ang pagkailang niya.

"Ganun ba? Hello pare." Bati ko. Tumango naman siya.

"Ah, sige pare, una na kami ha. Masama kasi ang pakiramdam ng girlfriend ko." Sabi ko at hinila na si Sam palayo dun. Samantalang si Clara naman ay nakasunod lang samin. Nang makarating na kami sa tapat ng kwarto namin. Bali kasi parang isang bahay yun. Tatlo ang kwarto. ay hinarap ko siya.

"Okay ka lang ba?" Nagaalala kong tanong. Alanganin siyang ngumiti sakin.

"Pasok na tayo. Gutom na ako." Sabi niya at nauna ng pumasok. Siniko ko naman si Clara. Napatingin naman siya sakin.

"Oo. Ako ng bahala." Sabi niya at dumeretso na sa kusina. Malakas akong napabuntung hininga.

SAMARAH POV

MY BOSS AND IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora