CHAPTER 39

5.7K 106 0
                                    

SAMARAH POV

Habang nasa kotse ni Clara ay lutang ako. Huminga ako ng malalim saka sumandal sa upuan.

"Sam, baka naman gusto mo ipaliwanag sakin kung anong nangyayari." Sabi niya habang nagmamaneho. Huminga ako ng malalim saka sinabi ang lahat ng nangyari.

"And kapal din pala talaga ng mukha ng mommy ng Aron na yan. Wala siyang karapatang saktan ka. At ikaw naman pumayag." Napayuko naman ako. Wala naman akong magagawa.

"Aalis kana? Paano na kami? Si Vian nakausap mo na ba?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Hindi na siguro kailangan. Galit parin siya sakin hanggang ngayon." Sabi ko habang nakatingin sa labas.

"Pwede mo ba sabihin sakin kung saan ka pupunta para naman makadalaw ako sayo." Naluluhang sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya saka tumango. Nang makarating kami sa airport ay tunulungan niya akong ibaba ang mga bagahe ko.

"Salamat sa lahat Clara. Salamat dahil naging mabuti kang kaibigan. Magkikita pa tayo pangako." Naiiyak na sabi ko. Pinunasan niya ang luha niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Mamimis kita Sam. Magiingat ka dun ha." Sabi niya habang yakap padin ako. Tumango nalang ako. Ilang minuto pa kaming nagusap bago tinawag yung flight ko. Pareho kaming nagpunas ng luha at inayos ko na ang bag ko. Ngumiti ako sa kanya bago tuluyan ng pumasok. Habang naglalakad ay sumisikip ang dibdib ko. Ang bigat sa pakiramdam. Mamimis ko kayong lahat.

Huminga ako ng malalim nang makababa ako ng eroplano. Tanaw na tanaw ko na yung lugar namin kahit sa malayo. Nagsimula na akong maglakad para sumakay ng bus. Mga isang oras pa ang byahe papunta samin. Pagkatapos ay sasakay pa ako ng bangka para makarating mismo sa baryo namin. Umupo ako sa unahan ng bus para madali kong makita yung destinasyon ko. Nakakamis din pala yung lugar namin. Naalala ko bigla si mama. Sigurado akong magtataka yun kung bakit hindi ako nagsabi na uuwi. Bahala na. Mabubuhay na naman kami kahit papaano. May ipon ako. May mga naipundar narin naman ako. Dito nalang siguro ako magaaral kung sakali. Matapos ang isang oras ay nakarating din ako sa daungan. Marami kaagad akong nakitang mga kakilala.

"Oh, Sam! Nakauwi kana pala. Gumanda ka lalo ah. Sakay kana sakin." Sabi ni mang kanor. Kaibigan siya ni papa. Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat po." Sabi ko. Inalalayan niya akong sumakay at ilagay yung gamit ko. Habang umaandar yung bangka ay nakatingin lang ako sa paligid. Namiss ko ang sariwang hangin. Pagkadaong namin may narinig akong sumigaw.

"Ate!" Napalingon ako. Si Eric. Ngumiti ako saka lumapit sa kanya.

"Ate. Bakit hindi mo sinabi na uuwi kana?" Nakangiting sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya.

"Ang laki mo na. Nasaan sila mama?" Tanong ko. Ngumiti naman siya saka lumapit sa braso ko.

"Nasa bahay ate. Tara! Matutuwa sila mama kapag nakita ka." Tuwang tuwang sabi niya. Naglakad na kami papunta sa bahay. Malayo palang kita ko na si papa na nagaayos ng lambat. Kakauwi palang siguro.

"Papa! Nandito na si ate!" Sigaw ng kapatid ko. Napaangat naman ng tingin si papa.

"Sam? Ikaw na ba yan? Diyos ko. Tawagin mo ang mama mo." Hindi makapaniwalang sbi ni papa. Nang makapasok si Eric sa loob ay untiunti akong lumapit kay papa. Namiss ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hanggang sa tumulo na yung luha ko. Mayamaya ay lumabas na si mama kasama pa ang dalawa kong kapatid na babae.

"Anak? Nakauwi kana. Bakit hindi ka man lang nagpasabi?" Gulat na tanong ni mama. Ngumiti nalang ako saka niyakap silang tatlo.

"Ang lalaki niyo na ah. Alam niyo namiss ko kayo." Naluluha na sabi ko. Niyakap naman nila ako ng mahigpit.

MY BOSS AND IWo Geschichten leben. Entdecke jetzt