CHAPTER 16

7.7K 131 3
                                    

KIEPER POV

Gustong gusto ko ng tanungin si Aron kanina sa harap ni Sam. Nagpipigil lang talaga ako. Oo alam ko namang attract siya kay Sam pero hindi ko alam na ganun kalala. Hindi ako papayag na masali sa bilang si Sam. Kilala ko si Aron, babaero yan. Siguro para sa iba hindi halata. Depende sa mood niya. Nang tuluyan ng makaakyat si Sam ay tinawagan ko si Aron.

"Aron. Magkita tayo sa rooftop." Sabi ko sabay patay sa tawag at umakyat na. Ilang saglit pa ay dumating na si Aron.

"Anong paguusapan natin?" Tanong niya. Huminga muna ako ng malalim.

"Ano ba talagang problema mo?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi kita maintindihan." He said. Nagdeny pa talaga siya.

"May gusto ka ba kay Sam?" Deretsong tanong ko. Tiningnan niya lang ako hanggang sa nagiwas siya ng tingin.

"H-Hindi." Sagot niya. Tinitigan ko siya ng mabuti.

"Kung ganun, bakit iba ang nakikita ko? Aron. Alam mong gusto ko siya kaya lumugar ka. Nauna ako. Respeto naman." Sabi ko at umalis na.

SAMARAH POV

Kinabukasan maaga na naman ako ulit nagising para magasikaso sa pagkain ni Aron. Oo yun daw itawag ko edi sundin. Nang matapos ako sa pag aayos ng sarili ay lumabas na ako para maghanda.

"Maayong buntag sa inyong tanan." (Magandang umaga sa inyong lahat)  bati ko sa kanila. Ngumiti naman sila sakin.

"Sam. Ikaw na muna ang bahala rito ha, kailangan ko kasi mamili." Sabi ni ate.

"Sige ate ako ng bahala." Nakangiting sabi ko.

"Ikaw narin ang magluto." Sabi pa niya. Ah, kaya ko nayan. Lagi kasi akong nakatingin sa tuwing nagluluto si ate.

"Sige ate. Ingat po kayo." Sabi ko. Nang makaalis  si ate ay nagsimula na kami ni Andrea. Si Andrea ang naghiwa ng gulay na ilalagay sa sinangag. Ako naman ang nagluto ng itlog, Bacon, hot dog. Minsan naisip ko magastos sa pagkain ang mga mayayaman. Kailangan kasi tatlo o dalawang ulam ang nakahain sa mesa. Kami kontento na sa isda at kanin lang. Nang matapos ako ay yung sinangag naman yung sinunod ko.

"Kamusta ang unang araw mo?" Tanong ni Andrea. Ngumiti ako sa kanya.

"Ayos naman. Kaya lang medyo weird si Sir Aron kahapon." Sabi ko habang hinahalo yung kanin.

"Bakit naman? Baka inaway mo?" Tanong niya. Kumunot naman yung noo ko.

"Dili ha. Ambot saiya."(hindi ah. Ewan ko sa kanya) sabi ko.

"Ano ba kasi nangyari?" Tanong ulit niya.

"Nagpunta kasi doon si Kieper, tapos ayon bigla nalang sumama yung mood." Kwento ko. Nanlaki naman yung mata niya.

"Nagseselos si Sir!!" Sigaw nito. Pinatay ko yung kalan at tinakpan yung bibig niya.

"Kasaba man nimo! Marinig ka ni Aron."(ang ingay mo.)bulong ko.

"Tanggalin mo nga kamay mo. Bakit Aron na tawag mo kay Sir? Close na kayo?" Tanong niya.

"Yun ang gusto niya. Naiingit ata kay Kieper." Sabi ko tapos nilinis ko na yung kalat at nagsimulang maghain.

"Paanong maiingit?" Kulit nito.

"Unya kana mangutana. Kadtoun muna si Aron sa igbaw para makakaon na. Musulod pa ako."(mamaya kana magtanong. Puntahan mo na si Aron sa taas para makakain na. Papasok pa ako.) Sabi ko sa kanya.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now