CHAPTER 42

5.8K 96 3
                                    

SAMARAH POV

Habang naglalakad ay walang humpay sa kakakwento si Clara. Habang si Vian naman ay natatawa nalang sa kanya. Nang makarating na kami ay bumaba na kami sa habal habal. Iaabot ko na sana ang bayad nang mahinang tabigin yun ni Vian.

"Ako na." Sabi niya at binayaran yun. Napangiti naman ang matanda. Sigurado akong malaki ang binayad niya.

"Salamat iho ha. Abay sabihin niyo lang kung kailangan niyo ng service at ako na ang sasama sainyo." Sabi nito. Ngumiti naman si Vian sa kanya at saka tumango. Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay.

"Oh, adi na pala kamo. Maupo na muna kayo nang makapag meryenda." (Oh, nandito na pala kayo.) Sabi ni mama.

"Magandang hapon po." Sabay na bati ng dalawa.

"Maiwan ko na muna kayo. Magbibihis lang ako." Paalam ko. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko para malinis na ng katawan. Nang matapos ay nagpajama na ako. Kahit kasi alas tres palang dito ay malamig na. Nang masigurong ayos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan kong naguusap si mama at Vian sa labas. Sinalakay kaagad ako ng kaba.

"Hindi mo ba alam?" Gulat na tanong ni mama. Naloko na. Nakita ko kung paano nagtagis ang panga ni Vian. Nagiwas siya ng tingin saka bumuntung hininga.

"Wala po siyang nabanggit." Sabi niya. Huminga ako ng malalim at tumikhim. Ako dapat ang nagpapaliwanag sa kanya ng lahat. Parehas silang napalingon sakin.

"Oh, Sam. Nandito kana pala. Kanina ka pa hinihintay ni Vian." Makahulugan akong tiningnan ni mama. Tumango lang ako. Huminga ulit ako ng isa pa bago tumabi ng upo sa kanya.

"Kamusta ka?" Tanong ko. Tumingin siya sakin saglit at binalik din sa dagat ang tingin.

"Depressed simula ng nawala ka." Sabi niya. Napayuko naman ako.

"I'm sorry. Hindi ko naman ginusto na ilihim sayo. Ang akala ko kasi galit ka sakin. Na ayaw muna ako makita. Yun naman ang sabi mo sakin noon." Sabi ko. Tumingin naman siya sakin saglit.

"Nung araw na umalis ka. Nagdecide na ako na kausapin ka. Narealize ko kasi na ang babaw ko. Hindi ko naisip yung nararamdaman mo. Kaya lang nung nalaman ko nga na umalis ka. Gumuho ang mundo ko. Nawala na yung dating Vian na madalas ngumiti. Palagi nalang nasa bahay. Araw at gabing lasing." Kwento niya. Napahigpit naman yung hawak ko sa balabal ko. Hindi ko alam.

"Vian. I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka. Isa rin kaya ako lumayo dahil ayokong saktan ka." Naiiyak na sabi ko. Hinawakan naman niya yung kamay ko.

"Tapos na yun. Nandito na ako ngayon. Bakit hindi mo sinabi kay Aron na buntis ka?" Tanong niya. Nagiwas ako ng tingin.

"Vian. Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para sakin. Pero mas natatakot ako sa kayang gawin ng mommy niya." Humihikbing sabi ko. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pagkatapos ay pinunasan niya yung luha ko.

"Wag ka ng umiyak. Nandito na ako. Hindi kita pababayaan. Kung gusto mo ako ang tatayong ama para sa kanya." Sabi niya sabay haplos sa medyo umbuk ko ng tyan. Nagulat ako sa sinabi niya.

"A-ano bang sinasabi mo? Nabibigla kalang. Wag ka nga magbiro." Naiilang na sabi ko. Ngumiti siya sakin at nilapit ang mukha niya.

"Nang malaman ko kay Clara ang totoo na nandito ka agad akong pumayag na sumama sa kanya. Kahit nagalit ako sayo noon hindi naman nawala yung pagmamahal ko sayo." Ngumiti siya sabay haplos sa pisngi ko. Tuluyan na akong napaluha. Bakit ba may lalaking katulad niya? At bakit ba napakaswerte ko?

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now