CHAPTER 8

9.7K 163 3
                                    

SAMARAH POV

Kahit masakit ang ulo ko dahil sa puyat ay bumangon parin ako. Dinampot ko yung tuwalya at dumeretso sa banyo para maligo. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto. Kailangan ko pang ihanda yung pagkain ni Sir Aron. Hala! Nakauwi kaya yun kagabi? Dali Dali akong dumeretso sa kusina para sana magtanong Kay ate Delia nang mahagip ng mga mata ko si Kieper sa mesa at tahimik na umiinom na ng kape. Napatalon ako ng marinig ang boses ni Andrea sa likod ko.

"Maayong buntag sa imo day, kamusta man ang paminaw mo?"(magandang umaga saiyo day, kamusta pakiramdam mo) tanong sakin ni Andrea. Ngumiti ako sa kanya.

"Maayo man. Si Sir Aron, nakauwi ba?" (Ayos naman) alanganing tanong ko. Kunot noong tiningnan niya ako.

"Bakit ako ang ginapangutana mo? Diva kayo ang magkasama." (Bakit ako ang tinatanong mo) takang sabi nito. Napakamot naman ako sa batok ko.

"Diri day, gisundo ako ni Sir Kieper kagab i. Hala kadtuon ko nalang sa taas." (Hindi day. Sinundo ako ni Sir Kieper kagabi. Hayaan muna pupuntahan ko nalang sa taas) nagulat na naman ako nang biglang may magsalita sa likod ko.

"Baka naman pwede niyong sabihin sakin yung pinaguusapan niyo? Narinig ko kasi ang gwapo kong pangalan." Nakangising sabi nito. Dug dug dug hala, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Kagabi pa to. Dahan dahan ko siyang nilingon. Ngumiti ako ng makaharap ko siya.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya. Sumimangot naman ito.

"Bakit? Ayaw mo ba ako makita?" Nagtatampong tanong nito. Naiiling na nilapitan ko siya at kinurut sa tagiliran. Napaatras naman siya sa sakit.

"Masakit Sam! Binibiro ka lang eh." Natatawang sabi nito.

"Seryoso kasi. Bakit ka nandito? Hindi ka umuwi?" Tanong ko sa kanya habang nagtitimpla ng kape.

"Oo. Late na kasi eh." Sabi niya habang kumukuha ng pagkain sa mesa. Tumango nalang ako sa kanya. Aakyat na sana ako sa taas ng tawagin niya ako.

"Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong nito.

"Aakyat?" Sabi ko sabay turo sa hagdan. Tinitigan niya ako saka umiling. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula ng umakyat para gisingin si Sir Aron. Marahan akong kumatok sa pinto niya.

"Come in." Sabi niya sa basag na boses. Mukhang lasing pa ito. Dahan dahan kong binuksan yung pinto at saka nagsimulang pumasok sa loob. Mabilis na tumalikod ako sa nakita ko. Lintek! Ano bang kalokohan ang pumasok sa kokote ng lalaking ito?! Matulog daw ba ng nakabrief lang? Diyos ko patawarin sana ako ni lord sa nakita ko. Tumikhim ako para malaman niya na nasa loob na ako ng kwarto niya.

"Bakit ka nakatalikod?" Tanong nito. At tinanong niya pa talaga yan.!!

"Sir Aron, handa na po ang almusal niyo sa baba." Sabi ko sabay labas ng kwarto niya. Diyos ko ano ba naman ito. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang bumaba. Naabutan ko si Andrea at ate Delia na naglalagay ng plato sa mesa. Samantalang si Kieper kumakain na. Kinuha ko yung kape at ininum. Magtitimpla nalang ako ng bago. Tamang tama naman na patapos na ako nakita ko si Sir Aron na naglalakad papunta sa kusina. Nang matapos ako ay agad ko yung nilagay sa harap niya. Aalis na sana ako ng magsalita si Kieper.

"Sumabay kana samin kumain Sam." sabi nito habang nakatingin sakin. Nilipat ko naman ang tingin ko kay Sir Aron na nakahalukipkip. Tumingin ito sakin bago tumango. Ngumiti ako kay Kieper at umupo sa tabi niya. Mas lumapad ang ngiti nito dahil sa ginawa ko. Ang babaw naman ng lalaki na ito. Kukuha na sana ako ng pagkain nang biglang si Kieper na kumuha nun para sakin. Sinimulan niyang lagyan ng pagkain ang plato ko. Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon