CHAPTER 46

5.5K 88 0
                                    

VIAN POV

Sobrang saya ko ngayon. Sa wakas makakasama ko na rin ang magina ko. Bigla akong kinabahan nang hindi magsalita ang mga magulang ko. Napagusapan na namin to ah?  Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Irine.

"Daddy, sino pa sila?" Nakita kong nanlaki ang mata ni mommy. Tiningnan ko si Irine na inosenteng nakatingin sa mga magulang ko.

"Baby, sila ang mommy at daddy ko. Say hi." Nakangiti kong sabi. Ngumiti naman si Irine sakin.

"Hi po. Kamusta po kayo?" Masiglang bati niya. Dahan dahang lumuhod si daddy para magpantay sila ng bata.

"Hello. Anong pangalan mo?" Tanong ni daddy.

"Irine Santos po." Sagot ng bata. Napatingin naman sakin si Daddy. Tumango lang ako. Si mommy naman lumuhod din at hinawakan si Irine.

"Gusto mo ba dito tumira sa bahay ni daddy Vian?" Tanong ni mommy. Malapad na ngumiti ang bata.

"Opo! Gusto ko po." Masiglang sabi ni Irine. Natawa naman si mommy. Mukhang natutuwa na sila sa anak ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Sam sa sa kamay ko. Napalingon naman ako sa kanya.

"Are you okay?" Tanong ko. Alanganin siyang ngumiti sakin.

"Hindi ko akalain na matatanggap nila ng ganito si Irine." Sabi niya. Hinigpitan ko din yung hawak ko sa kamay niya.

"Hindi sila kagaya ng mga pamilya na napapanood mo o nababasa mo. Kaya mahal na mahal ko sila." Sabi ko at binalik ang tingin ko sa kanila. Wala na ata akong mahihiling. Sobra sobra na. Mayamaya ay tumingin samin si mommy at daddy.

"Tara na kumain na tayo. Alam kong pagod kayo sa byahe." Aya ni mommy samin. Hinila ko na si Sam papunta sa kusina. Sumalubong samin ang maraming pagkain sa mesa.

"Mom, para namang fiesta." Sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain.

"Hayaan mo na. Hindi ko kasi alam ang gusto nilang pagkain eh." Sabi ni mom. Sumenyas naman ako kay Sam na magsalita siya.

"Okay lang po sakin kahit ano. Hindi po ako mapili sa pagkain." Sabi ko. Ngumiti naman si mommy.

"Ganun ba. Sige kumain na tayo." Sabi ni mom at nagsimula na kaming kumain.

"Anong gusto mo iha?" Tanong ni mommy sa bata. Ngumiti naman si Irine. Tumayo pa siya sa silya para ituro ang gusto niya.

"Gusto ko po ng fried chicken, pritong isda atsaka," sabi niya habang nililibot ng tingin ang mesa.

"Wala po ba tayong gulay.?" Tanong niya. Napangiti naman ako.

"Kumakain ka pala ng gulay?" Manghang tanong ni daddy. Hindi na ata nakatiis sa pananahimik si Sam at nagsalita na.

"Sanay po sa gulay si Irine. Hindi din po siya maselan sa pagkain." Sabi niya. Lumapad ang ngiti ng mga magulang ko.

"Napakabait na bata. Mukhang makakasundo namin siya. By the way, may isusuot kana ba sa graduation ni Vian?" Tanong ni mommy. Nagtatakang tiningnan naman ako si Sam.

SAMARAH POV

Isusuot? Nagtatakang tiningnan ko si Vian.

"Hindi na kailangan mom. Kahit ano naman pwede na." Salo sakin ni Vian.

"Okay. Kahit simpleng dress nalang." Nakangiting sabi ng mommy niya. Mukhang mahihirapan ata akong makisama. Nang matapos kaming kumain ay pinagpahinga ko muna si Irine. Palabas na ako ng kwarto namin nang makasalubong ko ang mommy niya. Bigla akong kinabahan.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now