CHAPTER 3

11.4K 220 3
                                    

SAMARAH POV

Nang makaalis na si Kieper naramdaman kong siniko ako ni Andrea.

"Nano man?" (ano naman?) tanong ko sa kanya. Agad naman itong tumabi sakin.

"Type ka siguro ni Kieper," sabi nito na parang kinikilig.

"Pag urong baya." (tumigil ka nga) saway ko sa kanya. Baka mamaya may makarinig pa sa kanya. Napaigtad kami pareho ng may biglang timikhim sa harap namin.

"Okay, ngayon na nandito na kayo sasabihin ko na kung ano ang mga gagawin niyo." simula nito. Nakatitig lang kami ni Andrea sa kanya. Halatang masungit ito at strikto.

"Ikaw Andrea ang makakatulong ni aling Delia sa mga gawaing bahay. Ikaw naman Samarah ang magiging personal maid ko." sabi nito. Ako? Okay pangako pagbubutihan ko.

"10,000 a month ang sahod niyo. Kompleto sa benefits. Libre lahat. Basta pagbutihan niyoang trabaho at wala tayong magiging problema. Its that clear?." sabi nito. Sunod sunod ang naging tango namin.

"Opo senyorito." sabi naming dalawa. Tumango ito at akmang aalis na ng magsalita.

"Bukas na kayo magumpisa. Nasa likod ng kusina ang maid's quarter." pagkasabi nun ay umalis na rin ito. Para akong nakahinga ng maluwag. Grabe ang sugit naman nun.

ARON POV

Nang sabihin sakin ni Aling Delia na dumating na yung mga katulong agad kong tuniklop yung folder na binabasa ko. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nang makababa ako nakita ko kaagad yung sinasabi ni Kieper na magiging maid ko. Napatitig ako sa babae na tahimik na nakaupo sa sofa. Taga probinsya ba talaga to? Maganda kasi at maputi. Napatingin ako kay Kieper ng magsalita ito.

"Ito si Samara, ito si Andrea. Sila yung mga bago mong katulong." turo niya sakin sa dalawang babae na nakaupo. Hindi talaga maalis ang tingin ko kay Samarah. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kung hindi ko pa narinig na tumikhim si Kieper. Nalipat agad ang tingin ko nang magsalita si Samarah.

"Okay ka lang ba Kieper?" rinig kong tanong ni Samarah kay kieper. Close ba sila? Pero wala akong maalala na may kamaganak siya sa probinsya. Imposible yun dahil matagal na kaming magkaibigan. Hindi ko napigilan ang mapamura ng makita ko itong ngumiti. For the first time in my life never pa siyang ngumiti mg ganyan. Palaging ngisi lang kaya hindi ko napigilan ang mapura.

"What the fuck man?" mura ko. Nanlalaki ang matang hinila niya ako palayo sa sala.

"Wag ka ngang magmura! Alam mo naman na may babae sa harap mo." kumunot naman ang noo ko. Ano bang nangyayari sa lalaking to?

"Kelan ka pa natutong ngumiti ng dahil sa babaing yun?" takang tanong ko sa kanya. Agad namang sumeryoso ang mukha nito.

"Hoy, Aron. Tratuhin mo sila ng maayos. Kung hindi ipapakain ko talaga si gray sa alaga kong tigre na si oscar." pananakot nito sakin. Agad naman akong napangiwi. Ang weird talaga ng lalaking to. Magalaga ba naman ng tigre. Tss. Sa kanya lang naman ako palasalita.

"Oo na. Bahala ka sa buhay mo." sabi ko nalang para tumigil na sa kakasalita tong lalaking to. Tinalikuran ko na siya at bumalik sa sala. Napansin kong sumunod sakin si Kieper hinayaan ko lang siya. Nagtatakang tiningnan ko siya ng derederetso siyang naglakad papunta kay Samarah at binulungan ito. Fuck. Hindi ito si Kieper. Hindi ito kagaya niya na mahilig sa babae. Mukhang tinamaan siya dito. Nang matapos niyang bulungan ay agad din naman itong nagpaalam sa kanya. Hinatid ko ito sa pintuan. Matapos niyang umalis ng hindi man lang nagpapaalam, naiiling na bumalik ako sa sala para kausapin yung dalawang babae.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now