SDTR: Kabanata 3

Começar do início
                                    

"Utang na loob Claire, itikom mo yang bibig mo." Aniya kasabay non ang paghugot niya ng napakalalim na paghinga, mabilis ko naman siyang sinunod.

"E-ethan, ayaw ko sa hotel." Damn! Ano bang sinasabi ko?

Nginisian nanaman niya ako, yung seksing ngisi na yon, nakita ko na yon sakanya nung una ko siyang makilala. Sinuotan niya ako ng helmet at kinuha niya yung bag ko atsaka inilagay iyon sa compartment ng motor niya, muli siyang bumaling saakin, napapamura ako sa kagwapuhan nitong nilalang na ito!

"Are you still a virgin baby?" Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya saakin at para akong tanga na napailing iling!

Isang marahan na ngiti ang ibinigay niya saakin, hala ang tanga ko! Virgin pa ako! Ano bang sinasabi ko kay Ethan? Pero yung utak ko hindi na virgin ikaw ba naman magkaroon ng pinsan na katulad ni Jenica, magiging virgin pa kaya ang utak mo?

"I see..hindi ka na virgin." Nakangising sabi niya at halos magtayuan ang balahibo ko nang humaplos ang mainit na palad ni Ethan sa balikat ko pababa sa kamay ko.

"Aangkas ka ba saakin o hindi?" Mapang asar na tanong niya saakin, "Ethan!" Hiyaw ko sakanya, natatameme ako sakanya, lahat ng mali naisasagot ko sakanya. Gosh, hindi ako ganito, nagiging tanga ako kapag siya na yung kaharap ko.

Marahan siyang humalakhak, "Sumakay ka na, sa opisina ko nalang tayo." Malamig na sabi niya atsaka nauna na siyang sumakay, opisina? sumunod nalang ako sakanya at humawak ako sa magkabilang balikat niya.

"Hindi ka ba marunong umangkas sa motor? Bakit ganyan ka humawak?" Panunuya niya, sinusubukan talaga ako nitong lalaking ito. Kung hindi ko lang siya mahal.

"Okay fine." Nakangising sabi ko at umakap ako sakanya! Nanlaki ang mata ko dahil masasabi kong mas gumanda ang hubog ng katawan niya ngayon, may nahahawakan na akong abs.

"Better." Masungit na sabi niya at mas lalo akong napayakap sakanya nang mabilis niyang pinaharurot ang motor niya!

May mga estudyante pang nagsitabihan dahil muntik na silang masagasaan.

"Hindi ka naman bastos?" Bulong ko sa tainga niya at napangiti ako ng pilya nang makita kong tumayo ang balahibo niya sa batok.

"Don't talk to me Claire, nagmamaneho ako." Malamig na suway niya saakin, sus palusot pa siya, hindi nalang niya aminin na kinikilig siya sa boses ko, okay napaka ambisosya ko nanaman.

"Hindi ba magaling naman ang mga Cando sa kahit anong bagay? Bakit sa pagmamaneho ng motor medyo tagilid yata kapag may kausap." Panunuya ko sakanya at mas hinigpitan ko ang paghaplos ko doon sa lintik na abs niya, nakakawala sa sarili pero nakakatuwa sa pakiramdam.

"Sinusubukan mo ba ako Claire?" Ang seksi lang niyang ngumisi, nakakainis.

"Sinusubukan saan?" Pagtataka ko.

"Yung kamay mo, wala dapat diyan." Tumatawang sabi niya at napapitlag ako nang itaas niya ang kamay ko patungo sa dibdib niya, nanlaki ang mata ko dahil hindi ko namalayang medyo bumaba na pala ang kaliwang kamay ko. Nararamdaman ko naman ngayon ang pamumula ng mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"H-hindi ko sinasadiya yon ha!" Hiyaw ko sakanya.

"Whatever you say baby.." Bulong niya, napalunok ako ng sunod sunod dahil sa endearment na iyon, hindi ko pinangarap na tawagin ako sa ganung paraan dahil nababaduyan ako, pero bakit nung siya na ang tumawag saakin kakaiba ang epekto?

Nang makarating na kami sa isang malaking building na may pangalan talaga ng Cando mabilis lang akong sumunod sakanya. May mga sumalubong sakanya at may mga ipinapaliwanag, may mga papers siyang binabasa at mukhang importante ang mga yon. Titig na titig lang ako sakanya ngayon dito sa loob ng elevator dahil napaka professional ng dating niya, ang lakas ng hatak niya saakin.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora