TMB #42

58K 761 60
                                    

Bae's note: Hi! Sorry, supposedly dapat ay kahapon pa'to. Got connection problems so kaya ngayon lang. Sorry sa delay! Enjoy. :)

Chapter 42

Maaga palang ay nagpunta na ako sa bahay, ilang araw din kasi akong hindi nakapunta dahil pinilit kong tapusin ang trabaho ko para makapag-file ako ng leave para sa mag-ina ko.

Nag-door bell dahil gusto kong pagbuksan ako ni Yannie at para narin ma-sorpresa siya sad ala ko. Pero nang mag-door bell ulit ako ay nagulat ako ng ang lumabas ng bahay ay ang naka-pyjama pang si Rae.

"Daddy!" Nagtatakbo siya papunta gate para pagbuksan ako.

"Where's your mommy?"

"She's sick, daddy, e." Bigla akong kinabahan. "What? Why? Anong sakit nya?"

"She has fever, dad." Binuhat ko si Rae at pumasok kami sa loob. Nakita kong nasa living room si Yannie at nakabalot sa kumot. Sakto namang inabutan ko si Mommy na lumabas galing ng kusina.

"O, Gio, nandito ka pala." Tumango lang ako at mabilis na lumapat kay Yannie.

"Parang alam mong may sakit ako a." Sabi nya bago takpan ang ibabang parte ng mukha nya dahil sumisinghot siya.

"Are you okay? Bakit di mo manlang ako tinawagan? Tss. Naabala pa tuloy si Mommy."

"I didn't even think you'd bother anyway." Aniya at lumingon sa iba.

Nakita kong lumapit si mommy sa bulaklak at kinuha ito. "Hijo, allergic si Yannie sa mga flowers." Napatingin ako sa kay mommy at kay Yannie. Nang tingnan ko ulit siya ay yumuko siya at umubo.

She's allergic to flowers and I didn't even know?? Anong klaseng asawa ba ako even for a short time? Simpleng allergy lang ng asawa ko di ko alam?

"Are you okay? Let's go to the hospital." Napapalatak ako ng maisip ko na di dapat ako umasta na parang baliw ako sa kanya. Dapat siya muna ang mabaliw sa akin para din a kahit kalian sumagi sa isipan nya ang iwan ako.

"Dad, can you stay?" Lumapit sa akin si Rae at yumakap. "Lola said she'll leave after lunch e."

Ginulo ko ang buhok nya at inakbayan. "Aright."

"Yay! Daddy, can I borrow your phone?" Nilabas ko ung cellphone ko pero agad na kinuha yun sakin ni Yannie. "What?"

"Rea, what did I tell you about playing too much radioactive devices?"

Anong bang nanagyayari sa mag-mommy na'to? Yumuko si Rae at pinaglaruan ung hawak nyang si Bumble Bee. "Radiation damages your eyes and your mind. But moooom. I'm bored!"

"No. Manuod ka nalang ng TV sa kwarto. No playing on weekdays." Aniya at saka umubo. Hinablot ko sa kanya ung cellphone at iniabot kay Rae.

"Loosen up, woman. Your child wants to play. It's not like he's going to murder someone." Nagtatalon naman si Rae at umupo sa gilid ko.

"Napakakunsintidor mo ka-" Di nya naituloy ung sasabihin nya kasi umubo sya. Mahina akong tumawa at ipinulupot ung braso ko sa balikat nya. I rubbed my hands on her arms. "Manahimik ka na nga lang jan."

Tumingin ako sa TV para makita na ang pinapanuod nya lang pala ay A Walk To Remember. "Hindi ka parin nagsasawa dito?"

Hindi siya kumibo. Isiniksik lang nya ung ulo nya sa leeg ko at yumakap sa akin. "Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now