TMB #36

50K 622 102
                                    

Chapter 36

“AH, friend po. Okay.” Ani ni Rae at nagpatuloy sa pagkain ng cereals niya. Hindi naman na ulit kumibo si Gio at nakita kong ngumunguya narin siya. Kumuha ako ng isa pang bowl para magsalin ng cereals at umupo katapat nila. Dumapo ang tingin ni Gio sa akin at sa bowl ng cereals na nasa harap ko.

“Yan ang kakainin mo?” Aniya.

“Yes?”

Kinuha nya ang box ng cereal at ang bowl na may laman ding cereal. “Eat like a king during breakfast, not like a beggar.” Tumayo siya para ibalik sa cabinet ang cereal at ikinuha ako ng plato at utensils.

“I don’t eat heavy breakfast.” Nangunot naman ang noo ko dahil don.

Pero in the end ay kumain rin ako. Kapag naiisip kong may ibang tao na syang sinasabihan ng ganito ay nalulungkot ako. That used to be me.

 

Nakakatuwang  isipin na ung mga dating ginagawa nya sa akin ay ginagawa nya na rin ngayon sa iba.

Niligpit ko ang pinagkainan naming after, ako narin ang nag-urong dahil nakita kong naglalaba si Ate Beth.

“Rae, time for bath. We’ll go home.”  Tawag k okay Rae habang pababa ako ng hagdan. Pero nangunot ang noo ko ng mapagtanto kong tahimik sa sala naming pero bukas ang TV. Nang lumapit ako para silipin ay nakita kong tulog silang mag-daddy.

Sandali ko silang pinagmasdan dahil ang cute nilang tingnan. Pero kailangan ko silang gisingin, baka kasi may lakad si Gio. It’s almost 3PM. Yumuko ako para tapikin ang braso ni Gio.

“Gi..” Marahan kong hinaplos ang braso nya at niyugyog. “Gi.. Gio.” Gumalaw sya at dahan dahang dumilat ang mata.

“Oh, I fell asleep.” Napatingin sya sa kandungan nya at nakitang natutulog doon si Rae. Bubuhatin ko na dapat si Rae nang makatayo ang daddy nya ng pigilan nya ang kamay nya at siya ang bumuhat.

“Okay lang. Ako na ang bubuhat kay Rae. Baka may pupuntahan ka.” Akmang kukuhanin ko na sa kanya si Rae nang ilayo nya ito.

“What’s your problem? Bakit parang nilalayo mo palagi sa akin itong si Rae? You did that once on Nathan. I will never let you do that again, Yannie.” I gawked. Anong sabi nya? Bakit parang ako ang lumalabas na masami dito e ayaw ko lang naman siyang maabala.

“Excuse me?” Napasigok kong tanong sa kanya. “Kinukuha ko lang ang anak mo baka kasi susunduin mo na si Lei.” Oh, speaking of Lei! “And how many times do I have to tell you! Di bale nang mambabae ka, pero wag na wag mong ipapakita sa anak mo!”

“You don’t have a say on who I date!” Aniya na medyo galit na.

Napanganga ako doon, a. I don’t have a say on who you date? I’m your wife, damn it! I have a say on everything! Sa inis ko ay tinalikuran ko siya at saka ako umakyat sa kwarto. Bahala nga kayo jan!

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now