TMB #2

91.5K 1.2K 35
                                    

Chapter 2


Kinabukasan ay naalimpungatan ako ng tumama ang sikat ng araw sa aking mga mata. Kinusot ko ang mata ako at hinila ang kumot palapit sa akin. It's cold but it's somewhat warm, too. Nang itaas ko ang kumot ay nakita kong may brasong nakapatong sa ibaba ng dibdib ko. Isang lalaking nakadapa pero nakaharap sakin ang mukha ang bumungad sa akin.

"Oh, my God!" Agad akong napasigaw ng marealize kong si Gio pala ang katabi ko.. At at.. ang lapit niya! Oh, my God! Sinipat ang aking sarili dahil nalaglag ung kumot na bumabalot sa ab49kin. Oh, God! Sinilip ko at nakita kong tumaas pala ang suot kong shirt. He's hugging my naked tummy!

Bumilis ang tibok ng puso ko ng tatlong beses dahil sa nakita ko. For crying out loud, Dyanne Carmela! You are in bed with the father of your child and yet you're acting like a virgin?

"Uhm.. Gio.." I said while slowly entangling myself away from him pero hinihila niya parin ako. Gusto ko tuloy isipin na masarap akong yakapin at gusto niya akong katabi."Gio.." Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ko kasi.. Nasusuka na ako!

Napatakip na ako sa bibig ko at tumalon paalis ng kama at mabilis na tumakbo papunta CR. God! I hate morning sickness! I keep on vomiting nothing!

"Ugh.." Tumayo ako at ni-flush ung kung ano man ung nasa toilet bowl. Pagtalikod ko at napatalon ako ng makitang nakahalukipkip ang topless na si Gio. Nag-iwas ako ng tingin at nagmumog.

"Gross." Umirap lang siya sakin at pumasok ng shower room. What the hell? Alam kong masama ang paguugali ni Gio! Pero hindi ko naman alam na ganito kalala! Kahit na kauting 'Are you okay?' hindi nya manlang na-i-share sakin! Tumayo ako at nagpunas ng bibig. I'm seriously pissed right now. Sa inis ko kinuha ko ung toothbrush nya at hinulog ko sa toilet bowl.

Si Tita Mychelle ang inabutan ko sa kitchen. Naroon siya at mukhang naghahanda ng breakfast. "Tita?" I preambled. Agad naman siyang nagtaas ng mukha sa akin habang naghihiwa nang kung ano.

"Yes, hija? And you can start calling me mommy now, Yannie." Aniya at nginitian ako. Nagluluto siya ng Fritata at heto lang ako nakamasid lang sa kanya at walang maitulong. Naalala kong sinabi niya nang minsan siyang nasa bahay namin ay dapat daw hindi mo pinagkakatiwala ang kinakain ng pamilya mo sa ibang tao. Kaya naman heto sya kahit na may maids gusto niya hands on sya sa pagluluto ng pagkain ng pamilya nya.

"Mommy?" Ngumiti ako at ipinatong ang aking baba sa counter. "Better. Is there anything you need, hija?"

"Curious lang po ako. Masakit po ba ang manganak?" Tumawa si Tita Mychelle at ibinigay ang buo niyang atensyon sa akin. "I can't tell you that, Yannie. Depende kasi sa babae ang panganganak. Ako kasi ay C-section ko ipinanganak si Gio. Ang mahirap lang labor. Are you nervous?"

Ngumisi ako at tumango. Totoong kabado ako. Naitanong ko na rin ito kay mommy at ganito rin ang sinabi niya. It's not that I don't believe my mom, gusto ko lang ng second opinion. "Don't worry dear. Gio will be with you the whole time."

Tita, ayaw niya nga nitong baby e. Gusto kong sumagot pero mas pinili ko nalang na ngumiti. Nakaramdam ako ng mainit na presence sa may gilid ko kaya naman lumingon ako para makita ang isang galit na Gio.

"What the fuck?" Aniya sabay taas ng zip-lock bag na may lamang toothbrush. Iyong blue na toothbrush na hinulog ko sa toilet bowl kanina. I heard Tita Mychelle gasp then she laughed. "You did that?" Tanong niya sakin. Tumango ako kaya mas lalo siyang natawa.

"You pissed her off, didn't you, Giovanni?" Tumawa si Tita Mychelle bago ulit nagsalita. "Ginawa ko rin kasi yan sa daddy mo noong ipinagbubuntis kita."

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now