TMB #38

47.6K 590 27
                                    

Note: For those who haven't seen TMB #34 yet, it's already included in the story proper. :) Just click the drop down and feel free to browse! Annyeong! Hart hart!

Chapter 38

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipagluto ng breakfast ang mag-ama ko. Pakanta kanta pa ako habang nang carrots para ilagay sa fried rice.

“I’ll make you believe in me. I can be what you want me to be. Tonight is the night. Where I’ll make you see that I can be anything anything—“

“Can you not sing early in the morning?”

Napahiyaw ako sa gulat. “Wag ka nga nanggugulat!” Inis na sabi ko. Inirapan lang ako ni Gio at uminom ng tubig ng pagharap ko ay nagulat ako ng puro dugo ung hinihiwa kong carrots. Pagkakita ko ay.. Nahiwa pala ako sa kamay!

“O-oh my God..” Meron akong hemaphobia! “Oh my God!” Mabilis kong hinugasan ung kamay ko ng tap water. Feeling ko ay magccollapse na ako! Oh my God!

“Why? What happened?” Mabilis na napunta naman sa gilid ko si Gio. Nanginginig ako dahil sa sobrang dami ng dugo na umaagos galing sa kamay ko.

“Oh my God.. Oh my God..” Paulit ulit kong sabi habang hinuhugasan ni Gio ung kamay ko.

“What happened? Bakit kasi hindi ka nagiingat! Yannie naman!” Pumalatak pa siya bago nya pinunasan ng tissue paper ung kamay ko. Nang mawala na ung dugo nakita ko na medyo malaki pala ung sugat. Nahiwa ko ung pointer finger ko dahil nagulat ako kay Gio. Kasi naman e!

“Yannie, are you okay?” Dugo. Ang daming dugo.. Wala akong naiisip kundi yan.. Hindi ko na ngamaintindihan kung ano ung mga pinagsasasabi ni Gio. Parang gusto ko nalang sumuka.

“Yannie!” As if on cue ay bigla akong nasuka. Shet. Nasuka ako. Nasukahan ko si Gio! Nasukahan ko ang damit nya!

“Fuck?” Nanlaki ang mata nya habang tinitingnan ang basa nyang damit. Napatakip ako ng bibig dahil dun.

“Omg.. S-sorry!” Tumayo ako kaagad at naghanap ng pwedeng ipamunas kay Gio. Parang nawala bigla ung pagkahilo ko at napalitan ng adrenaline rush. Nang makakita na ako ng towel ay mabilis kong binasa at sinabon. Pero ng iaaabot ko na kay Gio ay pagharap ko nakahubad na siya.

Bakit hindi parin ako nasasanay sa katawan nya? Why am I blushing like a teenager???? Nakakahiya! Inabot ko sa kanya ung towel at mabilis na lumakad papunta sa taas.

“Damn it, Yannie! Not a good impression! Paano mo mapapasagot yang nililigawan mo kung susukahan mo!” Inis na sambit ko sa sarili ko at nagtatatalon sa inis! Nakakahiya, Yannie!

Nakakahiya talaga! Napagdesisyunan kong maligo na bago lumabas ng kwarto. Nang makatapos ako ay inabutan kong nagbbreakfast na si Gio at Rae sa veranda.

The Miserable BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon