TMB #31

53K 724 63
                                    

Chapter 31

Ilang araw ko ring iniwasan si Gio dahil don. But he doesn’t seem to mind. Tuloy parin siya sa business nya. Trabaho sa umaga, babae sa gabi.

Kahit pinipilit kong mag-i-involve ang sarili ko ay nasasaktan talaga ako. Mahal ko talaga siya e.

Nang isang gabi ay dumating sya ng medyo maaga sa inaasahan ko ay nagulat ako.. Susuray suray syang pumasok sa loob ng bahay. Isang tingin ko palang sa kanya ay alam kong lasing siya dahil magulo ang itsura nya at unfocused ang mga mata. Ngumisi siya ng makita ako.

“There you are!” Susuray suray syang lumakad palapit sa kain. Literal na umeekis ang lakad na kaya naman nilapitan ko siya. Noon ko lang napansin na putok pala ang gilid ng labi nya at may pasa sya sa pisngi.

“W—what happened? Bakit may pasa ka?” Lumapit ang mukha sya sa mukha ko nang akbayan nya ako para sa suporta. Pumalatak sya at nakakalokong nakangisi parin pero kita ko sa mga mata nyang iritado sya.

“Go ask your knight in shining armor. That son of a bitch.”

Si Harvey? Bakit? Anong nangyari? Bakit sila nag-away? “B—bakit? Ano bang nangyari?”

“He said he’ll take you away from me.”

Lumunok ako at napayuko. “Y—yun naman ang gusto mo, hindi ba?” Naningkit lalo ang chinito nyo nyang mata dahil sa sinabi ko.

“Yes, of course.” Nakangisi ito at inalis ang braso nyang nakapatong sa balikat ko. “Go with him.”

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak ng talikuran nya ako para umakyat sa itaas.

“GIO!” Huminto sya pero di nya ako nilingon. “Why are you being like this? Bakit ginaganito mo ako? What did I ever do to you? Dahil parin ba ito kay Nathan? Tingin mo ba ay masaya ako sa nangyari? Tingin mo ba ay ginusto ko ang nangyari? WALANG INA NA GINUSTONG MAMATAYAN NANG ANAK!”

Napitlag ako ng mabilis syang lumakad pabalik sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. “Gio, bakit ganon.. I’m fighting hard for us.. Pero bakit lagi nalang ganito? Laging ako ung talo? Laging ako ung naiiwan.. Bakit kung pagsalitaan mo ako ay parang wala akong pakiramdam.. Bakit kung pagsalitaan mo ako ay parang hindi mo ako asawa.. Bakit kung pagsalitaan mo ako ay.. parang di mo ako mahal?” Hindi ko alam kung paano ko ung nasabi ng tuloy tuloy habang umiiyak. Nanlalambot ako sa kakasigaw kaya naman napaupo ako.

“Ang sakit sakit sakit na kasi e.. Hirap na hirap na ako. I’ve been enduring this unbearable pain for months, Gio. Pero bakit mag-isa lang ako? Di ba dapat ay sabay natin itong hinaharap? Pero bakit iniiwan mo nalang ako palagi? Bakit?” Humahagulgol ako habang siya naman ay nakuha pang mag-sindi ng sigarilyo. Pero nakaiwas ang tingin nya sa akin.

“Bakit ka ganyan? Bakit sa lahat ng oras pakiramdam ko ay kaya mo akong ipamigay? Ako? Halos gumuho ang buhay ko ng iwan kita pero ikaw ay parang ayos lang sayong iwan ako.. Did you really love me? O palabas lang ang lahat? Kasi kung palabas lang ang lahat hindi ako nag-enjoy. Isinugal ko ang kasiyahan ko para sa relasyon natin pero bakit sa huli ay ako parin ang naglalarong mag-isa?”

The Miserable BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon