TMB #23

68.5K 958 51
                                    

Chapter 23

Nanatili lang kaming nakahiga at magkayakap. Walang nagsasalita. We’re just there feeling each others warmth. Dinama ko ang marahang paghinga nya at ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib. Ramdam ko rin ang mga circular motions na nililikha ng thumb nya sa braso ko.

Hinawakan nya ang kamay kong nakapatong sa dibdib nya at iniikot sa kanyang bewang saka nya ako hinigit at niyakap. Lihim akong napangiti sa ginawa nya.

“I’m hungry.” Aniya at gigil na niyakap ako ng mas mahigpit natawa ako at hinampas sya ng mahina.

“You’re hugging me too tight.”

“I am?” Pinagdikit nya ang noo naming dalawa at pinagtama ang mga ilong namin. Eskimo’s kiss.

“Tara kumain. Baka hinahanap na tayo ni Nate.” Bumangon ako pero hinila ako ni Gio.

“Are we okay?” Pumikit ako. I shrugged. “I don’t know.” Tumayo atsaka lumabas. Dapat ay hindi na lamang siya nagtanong.

Nang lumabas ako ng kwarto ay tahimik parin ang buong bahay. Marahil ay nasa beach pa silang lahat. Naglakad ako pababa ng hagdan at dumiretso sa kitchen. Ano kaya ang maluto? Binuksan ko ang ref at nakitang puno ito at marami akong choice.

“I want something.. Japanese.” Napatingin ako ng magsalita si Gio sa likod ko. Nakadukdok sya sa mesa habang nakatingin sakin.

I decided to cook chicken teriyaki dahil iyon ang una kong naisip na Japanese cuisine. “Since when did you crave for Japanese foods?”

“I don’t know. I just find it.. interesting. Can I help you with that?” Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Ah, no.. Upo ka nalang.” Tipid akong ngumiti at tinalikuran siya para hugasan ung chicken.

“You know what? I’ve longing for this feeling..”

“This feeling?” Patanong kong sabi at bahagya siyang nilingon.

“Ung feeling na nandito ka at ipinagluluto ako.” Lihim akong napangiti sa sinabi nya pero hindi ako sumagot. Halos maitapon ko ung chicken na hinuhugasan ko ng maramdaman ko ung kamay nya sa bewang ko. Dahan dahan nya pa iyong pinadausdos at saka ako niyakap.

“Gio..” I protested. Pero ipinatong pa nya ang chin nya sa balikat ko. “I’m cooking. Stop being so clingy and sit there.”

“Ayoko nga.” Parang bata nyang sabi. Napailing nalang ako at hinayaan siya. I’m so tired to holding back. Ngayon ay hahayaan ko nalang muna ang sarili kong enjoyin ang lahat ng mangyayari.

“Nate, kaya naman pala hindi natin matagpuan ang mommy at daddy mo. Nandito pala at naglalambingan.” Mabilis na natanggal ang kamay ni Gio na nakapulupot sa akin at sabay kaming lumingon. Si Jonas yon at kasama nya si Nate na nakangiti sa aming dalawa.

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now