TMB #18

84.7K 1K 74
                                    

Chapter 18

"Mommy!" Nakarinig ako ng ilang malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko na nagpagising sa akin. Ang aga naman nagising ni Nate? Sinilip ko yong relo sa bed-side table ko at nakitang 6:30 palang ng umaga.

"Nate, it's way to early to go to school! Go back to sleep!"

"Mom! Dad's here!" Napabalikwas ako ng bangon sa kama. WHAT?! What the hell is he doing here!? "And I think he's sick, mommy!"

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong makilala ni Nathan si Gio. At araw araw syang nagpupunta dito para ihatid at sunduin sa school si Nate.

Hindi parin kami gaanong nag-uusap. Ma-pride na kung ma-pride. Nasaktan ako at isang dahilan un kung bakit mailapa ko sa kanya.

"Mom!" Malalakas na katok nanaman ang narinig ko. Bumangon ako at sinuot ang robe kong pink.

Nang lumabas ako sa pinto at hinila ako kaagad ni Nathan papunta ng living room. "Nasan ang daddy mo?" Kunot noo kong sabi.

"Mom, nasa couch si Daddy. I think he's sick. Mommy, I'm worried!" Umikot ako ng lakad at nakita ang awkward na higa ni Nathan dun sa maliit na couch. Nakadapa siya at nakasayad ang isang kamay sa sahig.

Dinama ko ang noo at leeg nya. At medyo mainit, mukha ngang may sakit. Kahit ayaw ko ay kailangan ko siyang ginising para sa ikatatahimik netong si Nathan. "Gio."

Tawag ko habang mahinang tinatapik ang kanyang balikat. He groaned but did not wake up. "Gi.." Bahagya kong niyugyog ang balikat dahilan kung bakit sinilip nya ako gamit ang isang mata.

"What?"

"Tumayo ka nga jan."

"Yan, ang sakit ng ulo ko. Just let me sleep for 5 minutes. Dami kong ginawa kagabi." He groaned at humarap sa kabilang side ng sofa.

Ang kulit talaga ng lalaking 'to! "Gio.. Nagaalala ung anak mo, tumayo ka nga jan." Hinila ko ung sleeves ng coat nyang suot dahilan kung bakit humarap ulit siya sakin.

Napalunok ako dahil medyo lumapit sya sa akin. Nararamdaman ko na ung mainit at mabango nyang hininga sa bibig ko. "How bout you, baby? Aren't you worried about me?" Aniya. I bit my lip then I looked away.

Nakita kong bumalik siya sa pagkakahiga nang mapagtantong hindi ako sasagot. "Nate, go find tita Eunice's first aid kit, please? Nasa CR nya yon siguro. That's a box with a red cross."

"Okay!" Tumakbo ito papasok ng kwarto ni Eunice. Muli kong hinarap si Gio na nakatingin pala sa akin. Medyo nailang ako sa titig nya. Medyo namumula narin ang pisngi nya.

"Tumayo ka nga."

"Ayoko." Aniya at pumikit. He's so grumpy! He's always like that!

"Gio, isa.." Inis kong sabi pero hindi nya parin ako pinansin. "Gio, dalawa.. tatlo.." Nang makabilang ako hanggang tatlo ay hindi nya ako pinansan. Tatayo na sana ako pero napigilan nya ang braso ko.

"Can you stay here, please?" Aniya habang nakapikit at nakahwak sa kamay ko. His hands are really warm.

Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang feeling sa pagkakahawak lang nang kamay nya sa kamay ko. Damn, Dyanne! You're not a freaking teenager!

Bumangon sya at hinila ako sa tabi nya. Ipinatog nya ang kanyang mukha sa aking balikat habang iniikot nya ung isang braso sa beywang ko. Pakiramdam ko ay uminit ung pisngi ko sa ginawa nya. We've never been this intimate before!

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now