TMB #32

55.9K 721 95
                                    

Chapter 32

Naalimpungatan ako ng marinig kong tumunog ang alarm clock. Inabot ko ito at pinatay. Nilingon ko ang lalaking katabi ko at hinaplos ang gwapo nitong mukha. Humawak ako sa braso nitong matigas na nakapulupot sa bewang.

Tipid akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kagabi.

Nang maiayos ko ang pagkakahiga ni Gio ay tatayo na sana ako para balikan ung palanggana sa labas pero bago pa ako makatapos ay naabot ni Gio ang kamay ko. Nakakunot ang noo nya pero alam kong tuloy sya. Lagi namang ganyan si Gio. Ang suplado tingnan kahit tuloy.

 

“Yan.. Don’t go.” Nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi nya. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya.

 

Napansin kong bumilis ang paghinga nya at mas lalomg kumunot ang noo nya. Umupo ako sa ulunan ng kama at hinaplos ang buhok nya. “Ssh. I will never do that again.”

 

Para namang narinig nya ang sinabi ko dahil nawala ang kunot ng noo nya. “Because I love you.. And I will never do things that will hurt you.”

 

Pinasadahan ko ng daliri ko ang mahabang pilikmata ni Gio. Isa ito sa mga pinakanagustuhan ko sa kanya. Ang haba ng pilikmata nya.

Dahandahan kong kinalas ang pagkakapulupot ng braso nya sa bewang ko para lumabas ng kwarto. Pero mukhang naalimpungatan si Gio kaya dumilat ang kanyang mga mata. Nang makita nyang nakayakap sya sa akin ay mabilis itong tumayo sa kama at pumasok sa CR.

“Ganon ba nya kaayaw sa akin na para bang gulat na gulat sya na yakap nya ako?” Nalungkot ako dahil don. Pero nang maalala ko ang sinabi nya kagabi ay napalitan ng tipid na ngiti ang pagkakanguso ko.

Atleast, ayaw nyang iwan ko siya.

 

Sandali ko pang inalala ang nangyari kagabi kaya hindi ko napigilan ang ngisi sa aking bibig. Napalingon naman ako ng marinig kong marahas na bumukas ang pinto.

Isang kunot noong Gio ang lumabas. “What are you looking at?” Iritado nitong sabi. “At anong nginingiti ngiti mo jan?”

“Tss. Wala.” Nawala nanaman ang kasiyahan ko. Epal kasi e. Sabi ko na nga ba tulog siya nun. Unconsciously lang nyang nasabi.

Nagulat naman ako ng hilahin nya ako sa braso. “Ano?” Aniya.

“Tss. Wala.” Sagot ko naman bago marahang hinila ang braso ko sa kamay nya. Umakyat ako sa kwarto ko para maligo. Kahapon ko pa suot tong damit ko. Pakiramdam ko ang baho ko na.

Nasarapan ako sa pagbababad sa bathtub at di ko nakitang mag-a-alas dose na pala nang tanghali. Taranta akong nagbanlaw at nagbihis.

Shorts at oversized shirt ang sinuot ko dahil ang medyo mainit ngayon kumpara kahapon. Nagpusod ako ng buhok at madaling bumaba sa kitchen.

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now