TMB #27

54.3K 633 50
                                    

Chapter 28

Hindi ko alam kung nakailang ikot na ako sa kwarto sa sobrang kaba. I’m worried sick about my son! He’s a kid! He’s only five! Hindi ko mapigilan na mapaiyak sa naisip ko. Naiisip ko palang na mag-isa syang matutulog ngayon gabi ay parang pinipiga ang puso ko!

Gusto kong sabunutan si Ally! Bakit nya dinadamay ang pamilya ko sa kabaliwan nya?! Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Bakit hindi na lamang sya mag-move on?

Napitlag ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad naman akong tumakbo para sagutin ito.

“Hello?”

(Wow! Ang bilis ah! Hi there, Yannie!)

“Can I talk to my son?” Ang dami kong gustong sabihin pero iyan ang mag nangibabaw. I want to make sure he’s okay!

(Oh, sure. We used to be friends. – Mom?)

“Oh, God! Nathan, are you okay baby?”

(Mommy? I’m okay!) Bakas sa tono nang boses nya na okay naman sya kaya nakahinga ako ng maluwag.

(Mommy, Tita Ally has a nice house!)

“R—really? Is she treating you alright, honey? Hindi ka ba nya sinaktan?”

(No, mom. She even bought me that limited edition mustang kanina sa Trinoma. It’s so cool, mom!)

“T—that’s good.”

(Mom, kelan mo ako susunduin?)

“Tomorrow, honey. Pakabait ka ha? Para di ka mapagalitan.”

(Yes, mommy!) Nang marinig ko ang sarkastikong halakhak ni Ally ay kinabahan ako.

“Please don’t hurt my son.”

(Oh, I won’t, dear. As long as we go with my game.)

Sandali akong napahinto dahil sa sinabi nya. Siguro ay dapat nga. Mothers should always go after the welfare of their children.

(So..?)

“S—sige.. But please.. Please.. Ally, don’t hurt.. Don’t hurt my boy.”

(That’s great! You have my word. I hope to have yours, too?)

“Y—you have my word.”

(Then we’re cool. Meet me tomorrow around 8PM? ALONE.)

“S—sige.”

Napabuntong hininga ako at napaupo na lamang sa kama. Damn, this is so frustrating!!!!

Naiyak nanaman ako dahil sa mga naiisip ko. Once again ay mawawala nanaman sa akin si Gio. Again.

 

Narinig kong bumukas ang pinto. Nag-angat ako ng tingin at nakitang pumasok si Gio ng pinto. Tipid ko siyang nginitian. I’m so damn selfish. Alam kong alam nyang nasasaktan at nahihirapan ako. Pero I bet, mas nahihirapan sya. Pakiramdam ko ay sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari..

“Yannie..” Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay at idinala ito sa kanyang bibig. “I am so sorry this happened..” Aniya. Nanginig ang boses nya nang muli nyang inulit ang mga katagang iyon.

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now