TMB #19

77.3K 1K 42
                                    

Chapter 19

Kasalukuyan kaming nakapila sa counter ng mag-ring ang cellphone tumingin ako kay Nathan. Nasa kanya kasi akong phone.

Nakatitig sya sa screen ng phone ko. Nakakunot ang noon yang inabot sa akin ung cellphone ko. “Mom, who’s ‘JERK’?” Natawa ako dahil sa sinabi nya.

“That’s your dad, baby.”

“Uhm.. Hello?”

(WHERE ARE YOU!?)

“Uhh.. Nag-g-grocery?”

Narinig ko siyang bumuntong hininga na ikinakunot ng noo ko.

(Akala ko iniwan mo nanaman ako.) Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi nya. He thought we left him?

“Pauwi na kami. Sige na.” Yun lang ibinaba ko na ung cellphone ko.

“Mom? What does jerk mean?” Kanina pa ako kinukulit ni Nate-Nate kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang ‘jerk’. Bakit daw iyon ang tawag ko sa kanyang beloved na daddy.

“Nate, quit it. I won’t tell you, alright?” Natatawa kong sabi habang ina-unbuckle ung seat belt nya.

Nang maalis ko ang seat belt ay nagtatakbo na si Nate palabas ng kotse. “Daddy!” Sigaw nya. Nilingon ko at nakita si Gio na nakaupo sa may flower box at seryosong nakatingin sa akin. Ngumisi lang siya ng niyakap siya ni Nathan.

Umiling iling ako at kinuha ung pinamili naming sa likuran ng kotse. Buhat buhat nya parin si Nathan nang makalapit ako sa kanila. “Why are you outside? Malamig dito.” Pagalit ko nang hindi siya tinitingnan. Kapag kasi tinitingnan ko ung expressive nyang mata.. naaalala ko ung kanina. Nahihiya talaga ako promise!

“Daddy! Daddy! What does jerk means?” Napasinghap ako at lumingon sa kanila. “Nate, I said stop asking about it.”

“Bakit mo alam ang salitang un, anak?”

“Uhm.. Daddy, yun pangalan mo sa phone ni mommy.”

Nakita kong tiningnan ako ni Gio at inirapan. Natawa ako ng bahagya. Tinamaan siguro. Nauna silang pumasok sa loob ng bahay kaya sumunod narin ako. Dumiretso ako sa kitchen para mag-luto ng lunch. Yung dalawa ay nanunuod ng isang lumang animated film.

“Daddy, bakit di nakikita ng kids si Jack Frost?”

“Because they doesn’t believe in him.”

Sinilip ko silang tahimik na nanunuod. Nakakandong si Nate kay Gio. Napaiwas ako ng tingin dahil nilingon nya ako. Damn, para naman akong teenager nito!

“Do you believe in love?” Halos matumba ako sa kilabot at pagkagulat ng maramdaman ko ang kamay ni Gio sa beywang ko. Oh my God! Mabilis ko iyong hinawakan at inalis pero ibinalik nya.

“No. I don’t believe in love anymore.” Matigas kong sabi at inalis ang kamay nya sa bewang ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga at tingin ko ay bumalik na siya sa living room. Ayoko siyang paasahin. Sa totoo lang ay.. ayaw ko nang balikan lahat.. lahat lahat ng naguunay sa aming dalawa. Pero alam kong hindi ‘yon pwede.

The Miserable BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon